"Myungsoo!!!" lunch time na kasi tapos tinakbo ko talaga yung classroom ni Myungsoo, kaya hingal na hingal ako nung tinawag ko siya, pinagtinginan pa nga ako ng mga kaklase niya at yung ibang tao sa labas ng class room niya, kasi as in todo yung sigaw ko, hindi ko lang alam kung narinig niya ako
"Kim Myungsoo!!!" sigaw ko ulit, nakita ko kasing nakipag landian pa siya sa ibang babae, este nakipag-usap lang pala, hahahaha. Medyo OA lang ako, pero kasi nagmamadali na ako, ang bagal bagal netong lalaking to, napag-usapan na namin to kagabi na may pupuntahan nga kami sa lunch pasaway talaga
"Alex?" napalingon siya sa may pinto ng class room nila nung tinawag ko siya, tapos nagtaas pa ng kilay, hindi siguro siya sure kung ako yung tumawag, walang hiya! Tapos tinaas niya yung right hand niya tapos minouthed niya sakin yung "wait lang."
Nagpunta siya sa isang upuan, halata naman na yun yung upuan niya, tapos parang may inayos at kinuha siya sa bag niya, wallet siguro tapos binulsa niya, lumingon naman siya sakin at ngumiti, tapos lumapit na siya, ako naman nakapa mewang na habang nakataas yung isang kilay, napaka tagal, haaaayyyy~
"Mukha mo, smile Alexis dear!" sabi niya sakin nang makalapit na siya tapos kinurot niya pa yung ilong ko, inirapan ko nalang siya at nag cling sa braso niya, normal na saamin dalawa to, we're friends, at isa pa comportable naman kami sa isa't isa eh, hahaha
"Halika na bilis, sobrang tagal mo!" sabi ko sakanya tapos hinila ko na siya, medyo malayo pa naman yung auditorium sa classroom niya, hay jusko! Minsan nagsisi din ako kung bakit malaki tong school namin eh, hay nako!
"Saan mo ba ako dadalhin? Doon sa kabilang dulo yung canteen Alexis, nagugutom na ako hoy!" sabi niya sakin, duh. Hindi ako tanga alam kong dun sa kabila yung canteen kaya hindi ko nalang siya pinansin, hila hila ko pa din siya, infairness ang bigat niya ah, kairita!
"Hoy Alexis, sinasabi ko sayo bubuhatin kita! Saan mo ba ako dadalhin?!" sabi niya ulit, kaya naman tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya, binitawan ko din yung pagka cling ko sa braso niya, anu ba yan nagmamadali na eh!
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone