"Angel.." tawag sakin ni Sehun, nasa library ako ngayon nagpapa xerox ng homework, tinatamad kasi akong kumopya kaya hiniram ko nalang yung notes nung kaklase ko, hahaha. Ito namang si Sehun biglang nag appear out of nowhere, psh.
"Hmm?" nilagay niya kasi yung dalawang kamay niya sa unahan ko tapos yung mukha niya nasa may leeg ko, kingina, landiin ba naman ako sa library? Medyo madami pa namang tao dito tapos maka back hug wagas?!
"Sehun, huwag ka ngang malandi!" sabi ko at inalis yung kamay niya, tumawa naman siya at kinurot yung isa kong pisnge, tapos sabay kaming naghintay dun sa pinapa xerox ko nang may dumaan na dalawang babae sa likuran namin..
"Kawawa naman si Alexis no, maganda pa naman sana kaso nagpapaloko lang." sabi nung isa na nagpakunot ng noo ko
"Oo nga, hindi niya alam niloloko siya ng boyfriend niya at bestfriend niya behind her back, tsk tsk, I pity her." then that made my heart ache, what do they mean? May alam ba sila? Oo one week akong umabsent tapos ganyan aabutan ko, pota. Naramdaman kong hinawakan ni Sehun yung kamay ko, napatingin ako sakanya, nakita niya na may namumuong luha sa mga mata ko
"Shhh, angel. I love you" sabi niya sakin at tumango ako, pinunasan nya yung mga luha kong muntikan ng malaglag, tapos kiniss niya yung forehead ko na sakto naman inabot na din samin yung papel na pina xerox ko kaya lumabas na din kami kaagad
"Sehunna, uhm..." napalingon naman sya sakin at tinaas yung isa niyang kilay, kaso nagbago na isip ko, hindi ko nalang pala sasabihin.. kaya umiling iling nalang ako, balak ko sanang itanong kung ano yung meron sakanila ng bestfriend ko kaso natatakot ako sa sasabihin niya at mag break down ako dito, nakakahiya.
"Alexis, mahal kita, ok?" sabi ni Sehun, nandito na pala kami sa classroom ko, hinalikan niya yung noo ko tapos niyakap niya ako ng mahigpit, niyakap ko din siya pabalik
"Sige na, pumasok ka na, baka malate ka pa." sabi niya at tumango nalang ako at pumasok sa loob, nilapitan ko si Claire at Sarah yung dalawang babae kanina sa library, oo kaklase ko sila
"Claire, Sarah!" tawag ko sakanila, napangiti naman sila sakin
"Bakit Alex?" sabi ni Claire
"May gusto lang sana akong malaman, kaso saatin satin lang ah" sabi ko sakanila, tumango naman silang dalawa at huminga ako ng malalim
"May alam ba kayo tungkol sa nangyayari kay Sehun at Thinx?" sabi ko ng malumanay, naubo naman si Sarah sa sinabi ko habang si Claire ay nanlaki ang mata, nagkatinginan pa sila sa isa't isa
"H-ha? Ano bang sinasabi mo Alex?!" sabi ni Sarah, alam kong meron dahil isa sila sa pinaka chismosa sa school at narinig ko na sila kanina
"Don't you ever lie to me girls" nagkatinginan ulit silang dalawa, huminga ng malalim si Claire
"Alam mo Alex, kahit hindi namin sabihin mahahalata mo naman eh, you can see it with your own eyes, Sehun is cheating on you." sabi ni Claire na nagpatulo ng luha ko pero mabilis ko din itong pinunasan baka makita pa kasi ng iba kong kaklase, nakakahiya, hindi bagay sakin ang magdrama
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone