Author's Note: Malapit ko na siya matapos :( Maybe 10 chapters nalang? Idk. Bahala na, hihi
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Trip ko lang, nagpahatid ako sa driver namin ng 5:30, tipong madilim pa, wala sa plano ko ang mag ghost hunting o kaya naman makipag kwentuhan sa mga guard, gusto ko lang mapag-isa at ifeel yung school na kinalakihan ko tutal malapit ko na din siyang iwan, few more months nalang din.
Nagpunta ako sa rooftop ng school kung saan may mini garden, dito mas peaceful tapos malamig pa, nakikita ko padin yung moon,tapos pasikat palang yung araw, nung bata ako pangrap kong mapanood yung sunrise kasama yung taong makakasama ko forever, pero nung tumanda ako, na realize ko na hindi naman pala totoo yung forever, gawa gawa lang siya ng tao para sabihin na may happily ever after or whatever.
Umupo ako sa isa sa mga bench dito, pinatong ko yung sling bag ko sa tabi ko, nakaantok pala pag ganito, sabagay wala din naman akong makausap kung hindi yung sarili ko lang, so I decided to pick up my phone together with my ear phone, magre-relax muna ako gamit ang music
Pinapakinggan ko yung why try ni Ariana Grande, ang ganda lang kasi ng boses niya, sana kaboses ko nalang siya pero whatever imposible yun mangyari, pero malay ko ba sa future baka may gadget na maimbento na magpapabago ng boses mo, lol.
Habang nagpapatugtog ako unti unti ko nang nararamdaman yung pagbagsak ng mata ko, hindi literal na nahuhulog, yung antok ko dumadating na, sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin at nakaka relax na tugtog, dreamland maabot ko
Nilagay ko yung bag ko sa isang dulo ng bench at humiga dun, kahit na lagpas yung paa ko sa upuan ayos lang, wala ng arte arte sa taong dinadapuan ng antok, para tuloy akong tanga, kanina sabi ko mamasyal ako sa school pero tutulugan ko lang pala siya, hay buhay.
"Hoy!" naramdaman kong may umaalog sa balikat ko, punyeta naman, respeto sa natutulog.
"Hoy Alexis, wala ka bang balak pumasok?" ay huta kilala ako, dahan dahan kong minulat yung mata ko, nagbe-beautiful eyes pa ako, and wtf nasilaw ako sa araw bad trip kaya kinusot ko nalang yung mata ko
"Tanga, ayan kasi akala mo maganda mukha namang katanga tanga." aba loko to ah, sa sobrang irita ko dali dali akong bumangon, nakaharap ko si Chen yung abnornal na lalaki na mukhang camel, mamatay na sana.
Ang laki ng ngiti niya sakin yung tipong parang kanina lang hindi niya ako nila lait, feeling close tong hayop na to, nakakainis, pasalamat siya hindi ko siya magawang tadyakan dahil may iniingatan akong dignidad, well, choss!
"Dito ka nalang ba Alex?" sabi niya, nakakainis talaga yung ngiti niya, maka ngiti wagas
"Syempre hindi, bahala ka diyan" sabi ko at dali daling kinuha yung bag ko at umalis na, nakakainis talaga yung mokong na yun, wala naman siyang ginagawa sakin pero makita ko lang siya naiirta na ako, ewan ko ba, siguro dahil kilala siyang prankster sa buong school at takot akong maging biktima niya, hay.
Tinignan ko yung phone, iche check ko kung anong oras na, nakita kong 7:15 palang, medyo maaga pa since 8:00 yung klase namin, pero madami narin namang estudyante, sabagay magkakaiba naman kami ng oras ng klase, pero since wala pa ako, kakain muna ako sa canteen. Pagkarating ko sa canteen, may 3 couples, 5 estudyanteng single at masayang kumakain, at isang grupong magkakabarkada which is sa kasamaang palad, grupo nila Sehun. Nasa may bandang dulo sila, may pinag-uusapan yata dahil sina Xiumin at Lay lang ang nakikita kong kumakain tapos yung iba busy na, sana lang hindi nila ako mapansin, parang awa sana ng tadhana
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone