"Kiss you?!" sabi niya sakin na parang hindi makapaniwala, mukha ba akong nagbibiro sa lagay na to?! Tss.
"Duwag ka ba? Hindi mo magawa, akala ko ba gusto mong mapatawad kita?" sabi ko sakanya na may pagka mataray yung boses, pinunasan ko na din yung luha ko, ayokong isipin niya na mahina ako, na porket may nararamdaman na ako para sakanya eh magpapatalo na ako, no way.
"Angel, kaya ko. Pero I want it to be special" sabi niya, inirapan ko siya, palusot, pero mabuti na din yun, ibjg sabihin walang galawan yung dare, hindi niya naman ako babastusin, kaya fine. Naglakad na lang ako habang na cross arms, nakataas pa yung kilay ko, tumila na din yung ulan, pero basa pa din ako syempre, yung uniform ko at buhok ko, but I don't care.
"Gay." I whisper habang naglalakad ako, hindi ko alam yung eksaktong ginagawa ko, all I know is I want him mad, gusto kong makita kung paano siya mapikon, gusto kong makita anv sungay niya.
"Angel .." narinig kong tinawag niya ako sa likod, pero nakakatamad naman siyang lingunin, hayaan mo siya.
"Belated 4th monthsary." sabi niya, mahina lang yun pero sapat na yun para marinig ko, parang may kung ano nanamang tumama sa puso ko, naalala ko kasi kahapon, umasa ako, pero ako tong tanga nauwi sa wala.
"Oh my gosh! Pang apat na pala, hahahahaha. Grabe!" sabi ko na may pagka sarcastic at mataray ang dating, nakatalikod pa din ako habang naglalakad alam ko namang nasa likod ko lang siya nakasunod sakin.
"I have something for you." sabi niya, pero umakto akong parang walang narinig, natanggap ko na kaya, no need to say, naglakad padin ako ng mas mabilis until he grab my arm.
"Ano ba?! Na receive ko na yung gift mo! Let me go! Go treat yourself with your business, magpayaman ka lang para next time kaya mo ng bumili ng bahay natin" sabi ko sakanya at hinila ang kamay ko at tumakbo papalayo sakanya, pero alam ko naman wala akong laban eh, kahit anong takbo ko mahahabol at mahahabol niya pa din ako, tulad ngayon, nakayakap siya sa likod ko habang hingal na hingal, nararamdaman ko naman yung hininga niya sa may tenga ko kaya napatigil ako
Dahan dahan niya akong hinarap sakanya at hinawi niya ang mga buhok na nakatakip sa mukha ko, he smiled, tapos hinalikan niya ng dahan dahan at matagal yung noo ko, ganun din sa tip ng ilong ko, bigla tuloy akong kinabahan, binibiro ko lang naman kasi siya dun sa kiss, hindi ko sinasadya, nadala lang ako, waaaaahhhh.
"I'm so sorry angel, mahal kita." sabi niya at hinalikan niya yung labi ko, nagulat ako oo hindi ako nagbibiro, nakatayo lang ako dun na parang frinoze ni Elsa o kaya naman pinatigil ni Matteo Do, hindi ako makagalaw, nakamulat yung mga mata ko habang tinitignan siyang nakapikit, punyeta. Ano ba tong nararamdaman ko, para bang nag slow motion ang lahat, para bang isa kaming bida sa isang kdrama, tapos yung puso ko, ang lakas ng kabog, ganito ba kapag first kiss? Ipinikit ko na din ang mga mata ko, first ko kaya dapat feel ko.
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone