Alex remained frozen, hindi niya alam kung bakit nasa tabi niya pa ang lalaking nanloko sakanya, kulang pa ba? Hindi pa ba sapat yung sakit na ginawa niya? Gusto niya pa? Gusto niyang sabihin yan sa lalaking nakayakap sakanya ngayon, pero hindi. Hindi niya kaya. Unti unting inaabot ng kamay niya ang natutulog na si Jungkook, pilit niyang inaabot ang buhok neto para hilahin ngunit masyadong mahigpit ang yakap ni Sehun sakanya
"A-aawww~ J-jungk-kook!" mahinang sigaw niya, ayaw niyang tumanggap ng kahit na anong tulong galing kay Sehun, kinamumuhian niya ito.
"A-angel, ano bang nararamdaman mo? Saan m-masakit?" tanong ni Sehun, unti unti siyang umupo sa kama neto, at hinahaplos ang buhok ng dalaga, pero kaagad din itong umiwas matapos niyang ibaling ang ulo niya pa kanan.
"Urgh, m-mama .. mama" pasigaw na sabi ni Alex, ayaw niyang magising ang nanay niya pero mas lalong ayaw niyang nasa tabi niya ang lalaking nanloko sakanya.
"A-angel .. please tell me what's wrong?" Sehun said, holding Alex's left hand, nag-aaalala siya para sa dalaga, alam niyang galit ito sakanya pero isinang walang bahala niya na muna ito dahil alam niyang nasasaktan ito, gusto niyang bumawi dito .. kahit na ano pa ang kapalit.
"L-let me go! Mama! J-jungkook! P-please .. help me~" sigaw niya, she wanted to push him away, pero hindi sapat ang lakas na mayroon siya
"Hmm .." it was from L, unti unti ng nagigising ang diwa niya dahil sa ingay na naririnig niya, hindi naman kasi siya mantika matulog at isa pa, hindi siya komportable sa pwesto niya
"L! M-myungsoo~ ahhh" Sehun covered Alex's mouth, gusto niya lang kausapin ang dalaga ng walang nangugulo, gusto niya lang malinaw ang lahat dito, kaya naman kinarga niya ang dalaga at dali daling hinigit ang dextrose bottle (?) neto na nakasabit sa tabi ng bakal niya, lumabas sya ng kwarto at kinuha ang nakaparadang wheel chair sa tabi ng pintuan ng kwarto niya
"15 minutes Alex, bigyan mo lang ako ng fifteen minutes." Sehun said, lumuhod siya sa harapan ni Alex, nagmamakaawa na pagbigyan siya kahit sa huling pagkakataon, na kahit papano malaman neto ang dahilan kung bakit niya nagawa yun, kung bakit siya sumugal sa bet.
"N-no. Itigil mo na to~" Alex said as she stumped her feet, gusto niya nang sipain sa mukha ang lalaking nasa harap niya, kung pwede niya lang sanang gawin yun sa publiko ng hindi nasisira ang pangalan niya
"J-just five minutes angel."
"Never ever call me again your angel." Alex said as she glared to him, Sehun remained speechless until he stand up.
"O-okay. " nagsimula nang itulak ni Sehun ang wheel chair papunta sa garden, walang nagsasalita sakanilang dalawa, nakahalumbaba lamang si Alexis at tila ba pinapakiusapan ang oras na matapos na
"Sana aware ka na umaandar ang oras mo." Alex said, napatigil si Sehun sa paglalakad and Alexis just smirked, dali dali namang siyang binuhat ni Sehun para paupin sa isa sa mga bench ng hallway kung nasaan din floor ng kwarto niya
"Ehem .. Ang--Alexis .." panimula ni Sehun na tinaasan lamang ng kilay ni Alex
"Pwede bang diretsuhin mo na ako, it was like shooting a gun, iputok mo na kung sa huli papatayin mo din naman yung titirahin mo diba, so spill it out already!" Alex said, may halong irita at galit ang pananalita niya na naging dahilan para kabahan si Sehun, hindi siya sanay sa kinikilos ng dalaga, ang alam niya lang ay palaging nakangiti ito at masaya na parang walang iniindang problema, pero ngayon parang pasan niya na ang ilan sa problema ng mundo, wala ni isang bahid ng kasiyahan sa boses niya, puno lamang ng galit at hinanakit
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone