Ending.
"Icheer mo na bes." bulong ni Thinx sa tenga ko, nandito kami sa pinaka dulong hanay ng upuan sa basketball court, kitang kita ko kung gaano ka wild ang mga tao dito, malakas ang mga sigawan tapos may kanya kanyang dala ng banner, may mga nakabalot pang papel sa mga ulo nila at nakasulat dun ang favorite player nila, may mga balloons pa.
"Ayoko hindi ko talaga kaya." bulong ko sakanya, nangingig talaga ako dahil sa hiya, ang dami kasing tao dito sa court dahil may inter school at halos lahat ata ng estudyante ng bawat school ay nandito, hindi ko kayang sumigaw dito! Paano nalang yung dignidad ko?!
"Sus. KJ neto! Ganyan ba kita pinalaki?! Hindee~!! Sigaw na best!!" biro ni Thinx habang tinataas taas pa yung kamay niya at hinihila din yung kamay ko, ang kulit talaga.
"Oh ito pa bes, prepared ka naman eh, yang confidence mo lang kailangan naten" sabi ulit niya sabay hablot nung pulang cartolina na kagabi ko pa ginagawa, prepared nga ako pero hindi ko nga kayang sumigaw sa harapan ng lahat ng tao dito!
"Ayoko .. ikaw nalang." sabi ko sabay upo ulit sa upuan, dali dali niya naman akong hinila patayo ulit matapos ay nag death glare pa sya saakin
"Ang arte ah. Tignan mo oh nakanganga lang dun sa gitna!" sigaw ni Thinx sakin sabay turo kay Sehun na nakatulala lang dun sa gitna ng court, tinitignan niya lang din yung mga pinapasang bola sakanya, ang abnormal lang. Bakit pa siya pinasok sa game ..
Maya maya lang ay naka puntos na ang kabilang team at kitang kita ang pagka dismaya ng mukha ng mga players namin pero parang wala lang ito sakanya hanggang sa tinawag sila ng coach nila para ata magplano sa gagawin nila, nakita kong umupo si Sehun sa isa sa bench ng mga players at inannounce na din na may substition na mangyayare at si Myungsoo ang papalit kay Sehun sa court, nakipag apir si Myungsoo bago pumasok sa court ngunit tinignan lang ni Sehun ang kamay niyang nakabalandra sa mukha ni Sehun, napailing nalang ako sa ginawa niya.
"Hay nako best, tignan mo hindi na tuloy naglaro!" sabi ni Thinx sabay bato nung cartolina sa may upuan namin, sumimangot pa ito at akala mo natalo na kami dahil todo ang pag-iling niya. Umupo nalang ako sa upuan ko at kinuha ang cellphone ko
To: My Devil
Hey akala ko ba gusto mo ng magandang game ngayon?
From: My Devil
I know what I said.
To: My Devil
Sungit! Pero bat nakatayo ka lang dun?
From: My Devil
I don't know. Ask yourself.
Tinext ko pa siya ng limang beses pero wala na siyang ni replayan ni isa dun, nakita ko na sumandal nalang siya sa may dingding at ipinatong yung puting tuwalya sa may mata niya, pagod na ba sya? Eh bakit nagpunta pa kami dito?
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone