09

130 2 0
                                    

"Angel .. kanina ka pa tulala diyan, hindi mo pa ginagalaw yung pagkain mo, ok ka lang ba?" sht. Hindi ko makalimutan yung nangyari kaninang umaga, b-bakit niya ako hinalikan? Na bored ba siya, nauhaw? Waaahhh. Bat niya ginawa yun? Yung first kiss ko, kaiyak jugigo!

"Angel .. hey!" ni hindi ko man lang siya nasampal kanina dahil sa gulat ko, napahawak lang ako sa labi ko at kumurap kurap, nakakainis, bakit kasi hindi ko siya natulak, nakakahiya akoo .. 

"Alex!" ay shet!

"H-ha? B-bakit?" sabi ko, nagulat kasi ako nung sumigaw si Sehun, ano bang problema niya? Nakakainis, ninakaw niya na nga first kiss ko, may gana pa siyang sigawan ako, hustisya! 

"Kanina pa kasi kita kinakausap, hindi ka naman umiimik, tulala ka lang, may problema ba? Ayos ka lang ba? Gusto mo ba umorder ako ng ibang pagkain? Hindi ka ba kumakain niyan? Alex .." tulala pala ako kanina, sarreh.

"S-sorry, wala naman akong problema, may naalala lang ako .. kain ka na." sabi ko, napakunot naman yung noo niya, nasa karinderia nga pala, hindi naman yung cheap na cheap na karinderia, yung sakto lang, kaunti nalang kasi yung pera niya at kailangan niya daw mag tipid para ma budget namin, kaya dito ko siya dinala sa karinderia, buti nalang hindi umangal

"Ok." sabi niya, kumain nalang kaming dalawa.

--

"K-kelan ba tayo uuwi?" tanong ko sakanya, nandito kami sa mines view park ng Baguio, kitang kita mo yung view ng mga bundok, tapos ang lamig lamig, may mga kaunting fog, kaya napabili tuloy kami ng sweat shirt, hahaha.

"Bukas nalang siguro, nakakapagod mag drive eh." sabi niya, tumango nalang ako, pero -- teka, saan kami tutuloy neto?

"Sehun, saan tayo matutulog?" tanong ko sakanya

"May inn dito yung kaibigan ng lolo ko, kilala niya ako, baka pwede tayong tumuloy dun." sabi niya tumango tango nalang ako, nag-aalala kaya sakin si tita? sinumbong niya kaya ako kay mama? Hindi ko naman kasi nadala yung phone ko, dahil parang kahapon lang pumunta ako ng school, bawal naman phone samin, kaya di ko dinala

"Uhm, Sehun may dala ka bang phone?" tanong ko sakanya

"Meron, kaso lowbatt na eh, halika na nga, pumunta na tayo sa inn, para ma charge ko na" sabi niya at hinawakan yung kamay ko, bat ganun? Bakit parang wala lang sakanya na hinalikan niya ako kanina?! Siguro hindi ako first kiss niya, sabagay, parte lang pala ako ng isang bet, haayyyy. Bakit kasi ako pa eh

--

"Nagtanan siguro kayong dalawa, at dito pa kayo nagpunta sa Baguio, aba'y ang lalakas naman ng loob niyo, teka nga, tatawagan ko ang mama mo Sehun, ang bata bata mo pa, may dala dala ka ng babae dito!" yun yung bungad samin nung kaibigan ng lolo niya pag dating namin dun sa inn, nakikiusap kasi si Sehun na dun daw muna kaming dalawa since wala kaming matuluyan dito, natatakot daw kasi siyang pumunta dun sa bakasyunang bahay nung lolo niya dahil daw may mga katulong dun na magsusumbong sa mama niya, eh mukhang meron nga din dito?!

"Lolo, wag po! Hindi naman po kami nagtanan eh, siya po si Alex, k-kaibigan ko po, nag-away po kasi kami ni mama, kilala niyo nanaman po yun, may ginawa nanaman po kasi siya na ayaw ko, lolo, sige na po, isang gabi lang naman po eh, gusto niyo po, si Alex nalang sa kwarto, dito nalang ako sa sofa ng waiting area, sige nanaman po, wag niyo naman po kaming isumbong, wala naman kaming ginagawang masama eh, nag runaway lang ak-- este kami, yung parang ginagawa namin dati ni lolo, please po." sabi ni Sehun na parang lumuluhod na sa kaibigan nung lolo niya, mabuti naman at ipinakilala niya akong kaibigan dahil baka mas lalo kaming pag-isipan ng masama, tsk tsk.

60 Seconds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon