"Saan ka ba kasi nagpupunta? Leche kang bata ka, pinag-alala mo ko! 2 araw kang hindi umuwi ng bahay, saan ka ba nagpunta? Hindi ka man lang nagpapaalam sakin!" bungad sakin ng tita ko pagkauwi ko, good luck to me.
"E-eh kasi po .. y-yung kaibigan ko po muntikan nang magpakamatay .. dinamayan ko lang po siya sa problema niya, natatakot po kasi ako na i-ituloy niya eh, sorry na tita." sabi ko, ok, the best liar award goes to me, sorry po, sorry po.
"Ha? Sino ba yang kaibigan mong yan?" tanong ni tita, hala, sinong sasabihin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na si Thinx yun, dahil ang innocenteng babaeng yun madadamay pa, at isa pa, ang nanay niya at ang tita ko, close, baka isumbong pa ang kasinungalingan ko at pagalitan siya, waahhh.
"Hmmm, tita inaantok na po ako, good night!" sabi ko at kunwaring humikab tapos dali dali na akong umakyat pataas sa kwarto ko, sorry talaga sa mga kasinungalingan ko, jusko.
Dali dali akong humiga ng kama, waaaahhhh, antok na antok talaga ako, nakakapagod mag travel, hahaha, hindi na muna ako nagbihis, pagod na talaga ako, humiga ako ng maayos at nagkumot na, nakabukas naman kasi yung aircon, sosyal ako.
--
Dahil sabado ngayon, sa bahay lang ako, mainit naman kasi sa labas eh, at isa pa, matagal tagal na din akong hindi nakakapanood ng tv, hindi naman kasi ako mahilig dun, hahaha, well ngayon, ano na kayang palabas? Hmmm ..
Binuksan ko yung tv sa kwarto ko, meron din ako nun, kekekeke, sosyalen talaga ng kwarto ko, ang sabi kasi ni tita, galing daw kay papa yung pera na pinambili niya ng tv, mehehehe, sosyalen talaga, pero nami-miss ko na talaga sila ..
"Hmmp! Wala naman magandang palabas eh." sabi ko, kanina pa ako palipat lipat ng channel wala akong makitang magandang palabas, gusto ko yung nakakatawa man lang, nakakainis!
"OMO!!!" Napalapit ako sa tv nang may nakita akong familiar na mukha, s-si Ate Athena ba to? Waaaaahhhhh, a-artista pala siya, bat di ako nainform? Hala, kaya pala minsan nalang kami nagkikita kasi busy siya, kaya pala, naiintindihan ko na ngayon, pero nakakapagtampo, walang nagsabi sakin na artista pala siya, pero nabanggit niya sakin nung bata pa siya na pangarap niya nga daw yun, siguro nag audition siya, sayang! Sana nandun man lang ako para suportahan siya!
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone