28

62 4 0
                                    

"Pinagsasabi mo Myungie?" tanong ko kay L, hindi ko alam kung trip niya ako or drinadramahan niya nanaman ako, bigla naman siyang namula at kinamot yung bandang likod ng ulo niya, tapos yumuko siya, so shy type siya ngayon, haha

"Wala naman akong sinabi, baka may naririnig kang iba na hindi ko naririnig" sabi niya tapos nag smirk, so tinatakot niya naman ako, feeling niya matatakot niya ako haha

"Sus, ewan ko sayo." sabi ko tapos inirapan ko siya, ang epal netong lalaking to, ang lakas ng mood swings, hindi ko na tuloy malaman minsan kung ano ba talaga yung mood niya eh, maya maya masungit tapos makulit tapos ngayon naman maharot

"Ah ganon." bigla siyang nag smirk at ako naman binelatan siya, maya maya bigla siyang lumipat sa tabi ko at sinimulan akong kilitiin, waahh, hayop. Mabuti nalang medyo kaunti nalang yung tao dito sa canteen tapos nasa may bandang dulo pa kami kaya hindi halata pinaggawa netong mokong nato

"Wahahaha, tama na please." yung itsura namin ngayon parang sinabunutan haha, ang gulo kasi, kung pwede ko lang siyang sipain dito kanina ko pa ginawa ang ligalig eh, nakakapanibago lang.

"Gusto mo pa?" tanong niya pero umiling ako, hinihingal pa nga ako eh, baka mamaya atakihin ako neto ng hika ko mahirap na, papagalitan nanaman ako ni mama kapag nangyari yun, bigla siyang nag smirk, masisipa ko na talaga tong lalaking to, subukan niya lang talaga

Lumapit sakin si L, yung mukha niya na sa may tenga ko, may ibubulong ata, yung dalawang kamay niya nasa sandalan nung upuan ko so parang akong na trap, ano bang trip netong lalaking to? Kapag may ibang taong dumaan mapagkakamalan kaming gumagawa ng milagro, eww. 

"Nandyan na si Sehun, halikan kaya kita, ano kayang magiging reaksyon nya?" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, trinay ko din siyang itulak pero mas humigpit lang yung hawak niya sa sandalan ng upuan ko, ano bang problema niya? Naka lean siya sakin, yung ulo ko nasa may balikat niya at kapag lumingon siya, yup. Sakto, mahahalikan niya nga ako

Nagpalinga linga ako ng tingin para makita si Sehun, papasok na siya ng canteen, siya lang mag-isa, naka headphone siya kaya kung sakaling sumigaw ako hindi niya maririnig, great. Bakit ngayon niya pa naisipan magpatugtog kung kelan may ibang plano tong si L

"Ano ready ka na ba?" bulong ulit sakin ni L

"Ano ba Myungsoo, alis nga!" pilit ko siyang tinutulak papalayo sakin pero ayaw talaga, unti unti na siyang lumingon, kinakabahan ako, hindi naman ganito dati si L eh, anong nangyari?

"May mangyayaring magic in 3, 2 --" hindi na natuloy ni L yung sasabihin niya dahil nakaharap niya na yung kamao ni Sehun at ngayon naka higa na siya sa sahig dahil galit na galit si Sehun, ramdam ko, pulang pula siya tapos yung headset niya bigla niya nalang tinapon kung saan, mukha pa namang mamahalin yun, sayang!

"Gago ka talaga Myungsoo! Ako ba talaga sinusubukan mo?" sigaw ni Sehun kay L sabay suntok, gumaganti din naman si Myungsoo, sinisipa niya si Sehun, may part sakin na sinasabing pigilan ko na silang dalawa dahil wala namang magandang maidudulot yung pag-aaway nila pero meron pang isa na nagsasabing pabayaan ko lang kung gusto ko talagang malaman yung totoo 

"Bakit? Masakit ba Sehun, o nagpapakitang tao ka lang para kunwari isa kang napaka buting boyfriend para kay Alex? O ano, sagot!"  biglang tumayo si Myungsoo at hinigit yung sa collar ng damit ni Sehun at sinubsub siya sa wall-- yung likod niya, ganun din ginawa ni Sehun, hinigit niya din yung collar ni L, nagsusukatan sila ng tingin, para bang unang bumitiw, talo.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko para sakanya?" sabi ni Sehun na nagdulot sa pag smirk ni L at pagtingin niya sakin, alam ko na. May plano nanaman siyang gawin, ayoko man masali sa gulo nila pero wala akong magagawa dahil ako ata ang punot dulo neto, badtrip naman

"Wala nga ba?" sabi ni Myungsoo, kumunot ang noo ni Sehun, binitawan nadin nila yung collar ng isat'isa, si L naman dahan dahan lumalayo kay Sehun at papalapit sakin na kasalukuyang nakatayo malapit sakanila, dapat kasi pipigilan ko na sila kanina pero kusa na pala nilang tinigil

"I'm sorry." bulong ni L sakin pag lapit niya, nagulat nalang ako nang higitin niya yung magkabila kong pisnge at hinalikan ako sa labi, hindi ako makagalaw, anong gagawin ko? He is kissing me infront of my boyfriend, nanlaki yung mata ko at biglaan ko nalang siyang natulak, unti unti nading namumuo yung mga luha ko

"Gago ka L" nag blurred na yung paningin ko, basta ang alam ko lang sinugod ni Sehun si L

---

"Kayo talagang mga kabataan, kapag walang magawa nakikipag bugbugan." nandito kami ngayon sa clinic, nahuli kasi kanina ng teacher sina Sehun at L, detention sila mamaya, hindi ako kasama mabuti nalang pero inutusan lang ako na samahan sila sa clinic dahil sa sugat at pasa nila, wala pa akong kinakausap sakanilang dalawa, bahala sila diyan

"Tss." sabay nilang sabi, pagkatapos nun sabay din silang tumingin sakin kaya inirapan ko sila, mga leshe, wala ako sa mood para sakanila, bwiset

"Uhm, pwede na po ba akong bumalik sa class ko? Hindi nanaman po ako kailangan dito eh." sabi ko sa nurse, sumimangot naman yung dalawa, nakakairita yung mukha nila bat ganun, hindi cute tignan nakakadiri lang

"Ay sige hija, salamat." sabi nung nurse kaya dali dali na akong lumabas ng clinic, tumatakbo ako sa may hagdanan, natatakot ako na baka mamaya sundan nanaman nila ako, utang na loob, nakakapraning, mas worst pa sila sa mga batang nag-aagawan ng laruan

Nung medyo nakalayo na ako naglakad na ulit ako ng maayos, hay salamat naman po at wala ng mga asungot, nakakarindi na eh, ang sakit sa bangs, hahaha. Tinignan ko yung relo ko para tignan kung anong oras na ba, late na ako sa class ko kaya hindi nalang ako pumasok dun, pumunta ako sa may auditorium, wala namang ibang tao maliban nalang dun sa nasa stage, si Chanyeol.

Nagdru-drums siya, ang seryso niyang tignan tapos kapag tinitigan mo siya, ang hot niya grabe. Yung pawis niya tumutulo, hindi siya nagiging kadiri tignan kasi ang hot talaga, omg. Crush ko na to simula ngayon haha, nung natapos siyang tumugtog ng drums, kinuha niya yung tubig na nasa tabi niya, ininom niya yung kaunti at yung iba naman binuhos niya sa katawan niya, kyaaahhh.

Hindi ko napigilan, nasipa ko yung nasa tapat kong upuan kaya nag cause ng ingay, napatingin siya sakin, eh wala naman akong choice at oras pa para makapag tago kaya kumaway nalang ako sakanya, bumaba siya ng stage, dala niya yung guitara niya at cellphone, lumapit siya sakin

'Hi ako si Chanyeol!" sabi niya sakin, ang laki ng ngiti niya sakin, nakakatuwa siyang tignan ang cute niya lalo na yung malaki niyang tenga, palagi ko siyang nakikita sa hallway pero ngayon lang sya naging malapit ng ganito, umupo siya sa tabi ko at nilagay niya naman yung guitara nya sa tabing upuan
 

"Uhm, ikaw ba yung boyfriend ni Baekhyun?" nandito na rin kasi ako kaya tinanong ko na rin , yung huli kasi kaming nagkita nung baklang yun puro mga kwento niya tungkol kay Chanyeol lahat kaya may alam na ako sa higanteng to kahit papano, tulad ng masayahin siya tsaka ayaw niya sa ipis mga ganun

 

"Ha? Sino yun?"  huh? hindi niya kilala si Baekhyun? Paano? Wait nga baka mamaya niloloko lang ako neto


"Ha? Syota mo kaya yun" sabi ko sakanya, kumunot yung noo niya na tila ba takang taka sa sinabi ko

"Wala talaga akong kilalang Baekhyun, dito ba yun nag-aaral? At tsaka isa pa, single ako." sabi niya,  huh?  Ano yung mga kinukwento ni Baekhyun sakin? Tsaka yung mga pictures nila together?



"T-talaga?" tanong ko, ngumiti nanaman siya ng malaki

"Oo naman, pero sa tingin ko malapit nang mapalitan yun" sabi niya, kumunot yung noo ko, si Baekhyun ba tinutukoy niya?




"Huh?" tanong ko sakanya






"Kasi liligawan na kita." sabi niya na may seryosong mukha, weh? Seryoso ba to, kakakilala palang ligaw kagad? Malandi.

60 Seconds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon