"Weh?!" kaagad kong nasabi sakanya, ang landi naman niya, ngayon nga lang kami nagkausap tapos ligaw kaagad?"Hahahahahaha fooled you!" bigla niyang sigaw at tawa ng malakas, may lahi din pala siyang abnormal, ang lakas din pala ng tama niya, sabi ko na nga ba alien siya sa laki ng tenga niya
"Ikaw loko ka!" sabi ko at binatukan siya, akala ko tatawa ulit sya pero bigla siyang sumeryoso at napahawak sa ulo niya, ayt. Napalakas ba? Sa pagkakaalam ko mahina lang yun
"Hala, sorry Chanyeol." hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa ulo niya, at dun ko napansin na may tahi siya dun, kagagaling niya lang ba sa accident?
" Ang sakit" sabi niya, parang may namumuo na ding luha sa mga mata niya, anong gagawin ko, ang sabi ng nanay ko sakin nung bata pa ako halikan ko daw yung saang part masakit mawawala daw yun, eh alam ko namang hindi yun eepekto, hala.
"Sorry." nagpa-panic na ako, hinawakan kasi ni Chanyeol ng mahigpit yung dalawang kamay mo na nakapatong sa ulo niya, nakapikit din yung dalawang mata niya, namimilipit nga siya sa sakit, bigla ko nalang siyang niyakap at hinalikan sa ulo, naiiyak na ako, pag namatay to sa harap ko ngayon, anong gagawin ko?
"Dadalhin na kita sa clinic." sabi ko at pilit na tinayo siya mabuti naman sumunod siya, naka angkay siya sakin, ang bigat niya pala, malamang ang laki niyang tao eh, nagmuka tuloy akong pusa na nakasabit sa puno, tsk tsk.
Habang naglalakad kami sa hallway pinagtitinginan kami ng mga tao, may iba sa tingin nila eh, siguro akala nila inaway ko si Chanyeol, hala. Baka hindi na ako makauwi ng buhay neto, wahh.
Pagdating namin sa clinic, nandun pa sina Sehun at Myungsoo, nakalimutan kong nasa clinic nga din pala sila, oh oh. Agad silang bumaba sa kama nila at tinulungan akong akayin si Chanyeol, hiniga nila to sa clinic bed, lagpas pa nga paa niya, agad namang lumapit yung nurse kay Chanyeol
"Anong nangyari?" hawak ng nurse yung sa may tahi ni Chanyeol tapos bigla siyang tumingin sakin, napalunok ako, nasa magkabila kong side si Sehun at L na nakatingin din sakin
"A-ano po, nagkukulitan kaming dalawa sa auditorium tapos nabatukan ko siya pero mahina lang yun promise, sorry. Hindi ko talaga alam kung galing man siya sa opera, uhm .. Chanyeol sorry" nagtaas pa ako ng kamay ko dahil sa promise ko, tapos tumutulo na din yung luha ko, kinakabahan ako na baka may mangyaring masama kay Chanyeol, kakakilala lang namin tapos madi-disgrasya ko na siya
"Alam mo bang bawal siyang batukan? Malakas man yun o mahina may impact yun sa brain niya! What were you thinking Alexis, akala ko pa naman matalino ka!" sigaw nung nurse sakin, napaiyak na talaga ako, narinig ko naman si Sehun sa gilid ko na bumulong ng shit, hinigit niya yung kamay ko at niyakap ako
"Binge ka ba, hindi niya nga sabi alam na inoperahan yang kapatid mo, alam kong mas matanda ka samin pero hindi mo dapat siya sinisigawan, psh." sabi ni Sehun at hinila na ako palabas ng clinic, mahigpit yung pagkakahawak niya sa wrist ko, pero hindi ko siya kinontra, natatakot ako na madagdagan pa yung sigaw na naranasan ko kanina, dinala niya ako sa may cr ng girls, nagulat ako nung pumasok siya sa loob, mabuti nalang at walang tao, kumuha siya ng tissue at binigay sakin
"Punasan mo yang luha mo, ayokong gawin yan para sayo, galit ako." sabi niya tinignan ko muna siya bago abutin yung tissue mula sa kamay niya, pinunas ko yun sa mga luha ko, nakatingin lang siya sakin, pagkatapos kong punasan niyakap ko siya.
"Sorry." sabi ko, akala ko hindi niya ako yayakapin pabalik pero ginawa niya, he hugged me tight and kiss my head
"Shh, wala kang kasalanan, tahan na" sabi niya, hinalikan niya yung noo ko at niyakap ulit ako, sa mga oras na to, pakiramdam ko ligtas ako, na walang pwedeng manakit sakin, and that made me smile.
-----
Bumalik kami ng clinic para icheck yung kalagayan ni Chanyeol, nalaman ko din na kapatid pala ni Chanyeol yung nurse kaya pala ganun nalang yung reaksyon niya sakin, nalaman ko din na girlfriend nga ni Chanyeol si Baekhyun, pero hindi niya lang maalala, yun yung pagkakakwento sakin ni Sehun, yun daw yung rumor sa buong school
"Maayos na si Park." sabi ni L pagpasok namin, tumango naman si Sehun at lumabas na din kami, galit padin daw sya kay L dahil sa ginawa neto sakin kanina, ang sabi ko naman sakanya, pinagseselos lang sya neto ang sabi naman niya kahit na daw, hinalikan padin daw ako ni L sa harapan niya
"Angel, bumalik ka na sa klase mo" sabi niya sakin, tumango nalang ako at hinatid niya na ako sa classroom ko.
Pagpasok ko, 2 subject nalang at uwian na, psh. Sana pala hindi nalang ako pumasok ng school ngayon, umupo na ako sa upuan ko, napansin kong bad trip si Kris, bakit nanaman?
"Uy fanfan problema mo?" tanong ko sakanya, biglang kumunot yung noo niya
"Hindi mo alam?" sabi niya, huh?
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" sabi ko sakanya, bigla siyang umiling iling at nag 'tsk tsk tsk'
"May boyfriend na yung ex ko" ex niya? si Thinx? yung best friend ko? Or iba pa, malay ko ba kung sino mga naging ex neto
"So?" sabi ko, bigla siyang tumawa, ayy. Abnormal, kanina bad trip to ah tapos ngayon may saltik na sa ulo at bigla biglang tumatawa
"You will get shocked if you found out who he is." and once again, naramdaman ko nanaman yung kaba and at the same time pain. Kilala ko na siya Kris.
----
"Uhm, mama, papa pwede po bang after ko mag 3rd year, sa ibang bansa na ako mag-aral?" kumakain kami ngayon ng dinner, kasabay si tita at jungkook, katabi ko si kookie syempre
"Huh? Bakit naman anak?" tanong ni papa sakin, uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot
"Hmm, wala lang po, para after graduate ko, dun na ako magco-college, hindi narin ako mahihirapan sa mga deadlines ng requirements para sa schools kasi andun na ako, pwede ko din naman pong isama si kookie e" sabi ko sakanila, tumango naman si mama at papa, tinignan ko si kookie, mukha din naman siyang sang ayon sa sinabi ko kaya nginitan ko siya
"Pero diba may boyfriend ka dito?" sabi ni tita sakin, napalingon din sa papa sakin na dapat sana isusubo na yung pagkain sa kutsara niya
"Oo nga anak, baka mamaya maya sinasabi mo yan kasi lilipat na din si Sehun sa ibang bansa" sabi ni mama sakin, kaagad akong umiling
"Hindi po, hindi niya nga po alam itong plano ko, tsaka nakakasiguro din naman ako na magkakahiwalay din kami ng college school, kaya ok na din yun" sabi ko, tumango naman si mama, umagree na sila sakin, yes. 5 months nalang.
5 months nalang, magpapaubaya na ako. And I will be finally free.
BINABASA MO ANG
60 Seconds.
Short StoryIn just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone