Kabanata 26

124 7 1
                                    

"..Nathalia"

Tila ba nabingi ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi na bago sa akin ang pagtawag niya ng Nathalia pero parang iba ang dating ngayon eh..parang nakakakilig?

Umayos ka!

"Nathalia!" Mahinang sigaw mula sa likuran ko dahilan para mapaligon ako napaturo sa sarili ko...sinisigurado ko kung ako nga ba ang tinatawag

" Esta chica está distraída... ¡quítala de mi vista rápidamente! No necesito un sirviente tonto... esta es mi primera advertencia" (This girl is spacing out..remove her from my sight quickly! I don't need a dumb servant..this is my first warning)

Ilang saglit pa ay lumapit ang isa sa mga tagasilbi at hinawakan ako sa palapulsuhan ko. Yumuko muna siya ng bahagya saka niya ako hinila nang bahagya papalapit sa kanya.

"Paumanhin po sa pagkakamaling nagawa niya..hindi na po ito mauulit" paghingi niya ng tawad saka yumuko kaya gumaya na lang din ako at nakiyuko

" La gente estúpida como ella no tiene cabida en esta casa. Si yo fuera usted Señor, ya haría lo que se supone que se debe hacer" (Stupid people like her don't have any place in this house. If I were you Sir, I'll already do what is supposed to be done) sambit ng isang pandak na mabigote saka sila nagtawanan maliban kay Luis na tahimik lang na tila ba walang naririnig sa paligid

Bakit parang nalungkot ako sa idea na hindi pala si Luis ang tumawag sa pangalan ko?

**

"Hindi mo ba batid na sa kaliwang bahagi ng heneral inilalagay ang kanyang pagkain? Kaliwang kamay niya ang kanyang ginagamit..hindi mo ba napapansin iyon? Kaya ka napapagalitan sapagkat aanga anga ka sa mga gawain! " panenermon ni Aling Mina kaya napayuko na lang ako

Ayy left handed pala siya? Bakit noon right handed? Hindi ako pwedeng magkamali kasi right hand naman laging gamit ni Luis everytime na nagsusulat siya. Lagi akong nasa office niya kaya syempre mapapansin ko yon . Imposibleng from right handed naging left handed siya? Weird naman

Gusto ko sanang sabihin ang mga naiisip ko ngayon pero pinili ko na lang na manahimik kasi sino ba namang maniniwala diba?

"Paumanhin po..Aling Mina" paghingi ko ng tawad dahil for sure siya naman ang masesermonan mamaya since siya ang mayor doma ng pamamahay na ito at siya ang taga-handle sa aming lahat.

"O siya, para may magawa ka namang mabuti ay ikaw na ang aatasan kong maghugas ng mga pinggan simula ngayon" napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya

Hala..eh halos sa pinaka-likod na part na ng bahay ang paghugasan ng plato ah kasi malapit 'yon sa balon. Tsaka keri ko bang buhatin ang mga platong 'yon eh mga gawa 'yon sa porcelain na paniguradong binili pa nila sa ibang bansa. Kakaloka ha! Baka maka-dalawa o tatlong beses pa ako magpapabalik balik para lang madala lahat ng mga 'yon

"Uhm..pwede po ba akong magpatulong kay—" hindi pa man natatapos ang sasabihin ko nang agad siyang sumabat

"Hindi, gawain mo 'yan kung kaya't hindi ka hihingi ng tulong kahit kanino sapagkat sila'y marami ding gawain. Iyan na lamang ang magagawa mo tapos hihingi ka ng tulong mula sa iba? Aba't kay kapal naman ng iyong pagmumukha. Hindi ka señorita dito ha..isa kang utusan" napakurap kurap ako dahil sa sinabi niya

Sabi ko nga ako lang mag-isa maghuhugas..hayst

Makalipas ang dalawang oras ay rinig ko pa rin ang tawanan mula sa sala. At nangunguna doon ang lalaking pandak na mahaba ang balbas.

Akala ko ba may meeting sila?

Isang pagtikhim ang umagaw ng atensyon nilang lahat. Natahimik sila nang tumayo na si Luis ganon din kami.

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now