Kabanata 27

121 8 1
                                    

Anong nangyayari?!

Napahawak si Aling Mina sa balikat ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Aling Mina.." mahinang usal ko saka ko siya hinawakan sa kamay at nagpatuloy kami sa pagtakbo

"Nariyan na ang mga guardia civil!" sigaw ng kung sinoman mula sa likuran

Agad kaming napahinto sa pagtakbo at nagsipagtabihan nang makita namin ang isang batalyon ng mga guardia civil! Kasunod non ay dalawang kabayo at lulan ng mga iyon  sina..Ginoong Samuel at si Luis

Bakit..

Nagsipagyuko ang halos lahat kaya ganon na rin ang ginawa ko

Bakit sila nandito?

"Quiero que todos ustedes sean testigos de las consecuencias de ir en contra de mi orden" (I want everyone of you to witness the consequences of going against my order) napatingin ako sa gawi nila nang marinig ko ang sinabi niya

Hindi ko gets pero parang may something na magaganap eh

"Nais ipabatid ng Gobernador Heneral na ipapakita niya sa inyo ang maaaring maging kapalit ng inyong mga ginagawang pag-aaklas laban sa kanya" napatameme ako nang marinig ko ang sinabi ng isang lalaki na nakatayo malapit sa kabayo ni Luis

Ah bale parang interpreter siya ganon? Pero..paanong pag-aaklas? May nangyayari na ba na hind namin nababalitaan sa bahay?

Rinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid ko. Gusto ko din sanang makisabat pero mahirap dahil nasa harapan ako..mapapansin agad kapag dumakdak ako dito.

Ilang sandali pa ay may isang kumakaripas na kabayong huminto sa harapan naming lahat. Halos dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang naka-konekta sa kabayo. Isang lubid kung saan nakatali ang isang lalaki!

Siya ang lalaking sinasabi ni Martin! Si Alfonso yata..basta yung binubugbog last time ni Luis

Kita ang bakas ng torture sa kanyang mga mukha. Makikita din ang matinding kapayatan nito kung saan tanaw namin ang mga buto buto nito na para bang tinutusok ang kanyang mga balat.

Anong pagpapahirap ba ang ginawa nila? Hind ganito ang itsura niya last time! Mukha siyang..patay na buhay

Idagdag pa ang bakas ng dugo sa kanyang mga mukha at damit. Napangiwi ako nang makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang noo. Marahil ay dahil sa itinali siya sa kumakaripas na kabayo. Paniguradong nakaladkad siya nito dahil sa bilis ng takbo nito..walang makakahabol dito

"¿Puedes ver a este hombre aquí mismo? ¡Me robó algo y estoy seguro de que lo usará para ir en mi contra! Todos los que sean sorprendidos haciendo algo o actuando de manera sospechosa se pudrirán en la cárcel"
(Can you see this man right here? He stole something from me and I'm sure it will be used to go against me! Everyone who'll be caught doing something or acting suspicious will rot in jail) mariing sabi niya at dumagundong ang kanyang malalim at ma-awtoridad na boses sa kabuuan ng palengke.

Napatingin ako kay Samuel na tahimik lang sa tabi niya. Ni hindi ito nag-abalang tignan lahat ng tao sa paligid niya

Bakit parang sunud-sunuran ka?

Bahagya akong nakaramdam ng dismaya dahil sa nakikita ko. Wala ni isang nagbalak na magsalita..at isa na ako doon

I'm so disappointed of myself

"Ang lalaking ito ay nagnakaw mula sa Gobernador Heneral. Ang bagay na kanyang nakuha ay paniguradong gagamitin niya upang tuligsain ang pinuno. Ang sinumang mahuli na may ginagawa o ikinikilos na kakaiba ay pihadong mabubulok sa bilangguan" muli kong narinig ang mga Bulungan sa aking likuran na siyang pinakinggan kong mabuti

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now