I tapped my pen on my table as I hum some random notes as I flip the pages of the paper that I am currently reading. It's Saturday but I still have some work to do.Kahit may importante akong binabasa ay ang aking isipan ay lumilipad, dahil ang buong laman ng aking utak ay kung paano kakausapin si Hugo.
Lalapit lang ba ako sa kanya tapos sasabihin ko na I am giving him a second chance?
"Bibisita kaba sa site tulad ng ginagawa ni tito?" Tanong ni Brianna sa akin na ilang araw ng natutulog sa bahay.
"Hindi ko alam." Sabi ko.
My dad is very hands on kaya kahit ibang engineer ang nakaassign sa proyekto, maliit man ito o malaki ay minsan binibisita niya ito.
Maybe it's just right for me to visit the ongoing construction, pero sa mga malapit lang muna dahil marami pa akong kailangan gawin.
It's also been days since I become curious on how Hugo is with he is on site. I kinda wanna see him in site.
I couldn't help but feel butterflies with what I am thinking. Now I am really curious about him and his whereabouts huh?
I am really interested again, hindi ko na ito maipagkakaila. Sa mga nakaraan na araw, I am always looking forward on seeing him kaya I couldn't even question my own feelings anymore.
"Punta tayo? I'm bored. I still remember noong bata pa tayo lagi tayong sumasama kahit bawal." Sabi ni Brie.
Now that Brianna also wants to go, I don't have any reason not to go. Mas okay na ito.
Habang tinatahak namin ang daan patungo sa mga construction site. Tila kating kati ako malaman kung nasaan ba na site si Hugo ngayun.
"Alam mo ba saan ang site ngayun na mino-monitor si Engr. Lardizabal?" Walang hiya kong tanong sa aking sekretarya.
Mabilis naman na tiningnan ng aking sekretarya ang Ipad na hawak niya upang tingnan ang impormasyon doon.
It's Saturday dapat wala siyang work pero ginulo ko siya but it is a payed work, I tripled it para naman worth it ang pag-agaw ko sa araw na dapat ay pahinga niya.
"Si Dale agad ha!" Sabi ni Brianna na may pilyong tono.
"Shut up, Brie." Sabi ko not denying anything.
"Wag naman masyadong pahalata." Sabi ni Brianna, she even giggled.
Instead of paying attention to her, I leaned forward to the front-seat where my secretary is sitting, para tingnan ang ginagawa nito.
"Grabe siya oh!" Sabi ni Brie kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nagka-ayus na kayo ni Engineer, Ma'am?" Usisa din ng aking sekretarya.
She's my secretary ever since, kaya alam niya na dati kaming mag asawa.
"Ah, oo eh. Ata. Hehehe." I don't even know but I couldn't help but giggle.
With my orders ay una naming pinuntahan ang site, kung nasaan si Hugo.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng aking sekretarya kahit hindi naman kailangan, habang ang aming driver ay pinagbuksan si Brianna.
Pagkababa namin ay narinig ko agad na nagsalita si Brianna na nasa kabilang banda.
"Mauna kana, sasagutin ko lang 'tong tawag." Sabi ni Brianna at lumayo ng unti.
Nagkibit balikat na lamang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa kung saan ang construction site dahil may kalayuan ang drop off area.
Habang tinatahak ang daan ay hindi ko mapigilan ma-excite. At dahil sa pagka-atat ko ay hindi ko napansin na tinatawag pala ako ng aking sekretarya.
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far (ON HOLD)
RomanceThey are married for convenience, but they promised to make it work. What upholds their married life if no matter how hard they try, it just doesn't work. He loved someone else but he is married to her. She fell in love with him, she fought hard...