“Can I get our bill?”
Napalunok ako ng malalim ng lumapit ang waiter na nagserve sa amin at humingi ng resibo si Spencer.
“Sir, nagbayad na po si Ma’am kanina.” Sambit nito sabay tingin sa akin.
I sipped on my juice and pretended that I didn't just hear their conversation. Ramdam ko ang titig nila sa akin pareho.
There was a silence for a moment until I heard Spencer, clearing his throat.
“Pwede po bang makita ang resibo?” Sunod nitong tanong pero hindi ko pa rin inaangat ang tingin ko.
“Sure, Sir. Kukunin ko lang po.”
Tuluyan kong inangat ang tingin sa kanya pagkataos umalis ng waiter. I squinted my eyes on his hands as he counted several thousand peso bills from his wallet.
Tumikhim ako. “It’s my treat…”
He lifted his eyes and our eyes met. At halata na gusto akong kontrahin.
“I’ll pay for it.” He simply stated.
Umiling ako. “No, it’s fine at nakabayad na ako.”
“Then I’ll just pay you back.” He argued once more.
“Pwede namang yung sayo na lang ang bayaran mo.” I bargained.
“I brought you here, so I’ll pay for it.” Dumiin ang boses niya.
Akmang kokontra ako ng dumating ang waiter dala ang billl namin. Tinikom ko ang bibig habang nakatingin sa kapirasong papel ng bill namin na hawak na niya.
Spencer looked at it and the waiter left us all alone
He then counted again his money and gave it to me rigth after.
“Here, may gusto ka pa bang puntahan?”
Nanatili ang tingin ko sa pera na hawak niya, hindi pa rin tinatanggap.
“Yung sayo na lang ang bayaran mo. Just pay for our meal if it’s our first date.” At sa huli ay hindi ko mapigilan na mapangisi sa huling sinabi.
“Then this is our first date.” He simply concluded, halatang sinabi lang iyon para matigil na ako.
I rolled my eyes at him and grabbed the cash he handed. Mabigat ang galaw ko habang linalagay ang pera sa pitaka ko.
“Umuwi na tayo.” Pagsusungit ko pagkatapos ay tumayo na.
He stood up too and an amused expression was plastered on his face. Pinangkitan ko siya ng mata at pinauna na niya ako sa paglalakad.
“Saan ang sasakyan mo?” Tanong ko ng tuluyan kaming nakalabas.
“Parking, malapit lang kaya lakarin na natin.”
Nauna siyang naglakad at sa likod niya lang ako. Matalim ang tingin ko sa likod niya hanggang sa makarating kami sa parking area hanggang sa bigla siyang huminto.
Napunta ang tingin ko sa owner jeep habang binuksan naman niya ang passenger seat. It has no windows and the door is basically just half of it.
Not bad. Maayos naman at mukhang inaalaganan niya katulad ng motor niya. May pintura rin kaya malinis tingnan. Even the inside looks organize and clean.
I sat down and fixed my short dress. Mas nalilislis iyon kapag nakaupo ako. Pero komportable ang upuan niya at malambot rin.
He closed the door and I thought he would occupy the driver's seat when I saw him opening his small suitcase from the back.
YOU ARE READING
Laws in Love II: Spencer Ace
General FictionNina likes Spencer more than she have ever thought. Or maybe it was too much...or was it?