Chapter 30

500 44 21
                                    

“Kain na po tayo, nagdala po ng meryenda si Atty. Nandoon sila oh!”

Kumunot ang noo ko at tumingin sa dulo ng gulayan kung nasaan sina Ate Wilma.

Malayo kami roon pero kita ko ulit ang katabing bulto ni Ate Wilma kasama ng ilang tauhan namin na nakapalibot rito.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano na namang ginagawa niya dito?

Sabay-sabay kaming bumalik sa gilid at hindi pa man ako nakakalapit ay napanganga ako ng makita ang lamesa namin na halatang puno ng pagkain.

“Galante ni Atty. Sana araw-araw siya dumadalaw dito.”

I scoffed to myself when I heard their murmurs. Tuluyan kaming nakalapit doon at agad na lumapit sa akin si Ate Wilma para iabot ang tubig ko.

“I hope you don’t mind.” 

I looked at the person beside me as our workers started digging in. Marami ang pagpipiliin at mukhang nabili niya pa ang mga ito sa kabilang bayan.

“For what?” Tanong ko at umupo sa gilid sa datin ko ring inuupuan.

Ramdam ko ang gutom sa mga iba’t-ibang meryenda na dala niya pero ng makita ko ang bilao ng kakanin na dapat ay meryenda namin ay tumayo ako at doon na kumuha. 

“Nothing…para sa mga trabahador niyo. For winning the cases.” He simply reasoned out.

Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. 

For our workers, huh? But, okay. If he insists then.

Pero sobrang galanta naman ata niya at siya na nga ang nagpapanalo sa kaso nila, libre pa ang serbisyo niya, at siya rin ang maghahanda.

I wanted to squint my eyes at him but I stopped myself. I shouldn't dig deeper into it. He won’t probably repeat it anyway.

But that is what I thought.

Because the next morning, it was the same scenario.

I looked at the trays of food in front of me and then transferred my gaze to him as he conversed with our workers.

“Kain na, Senorita!” Ate Wilma encouraged as she started digging in. 

Napakamot ako ng ulo at napamaywang. 

Masyado na siyang galante, hindi lang sa oras na inuubos niya rito kung pati na rin sa mga pagkain na dala niya.

He is not a busy person, huh? Mukahang mas busy pa ako sa kanya ng kilo-kilometro. And he is a lawyer as a matter of fact.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng akin. I was a bit hesitant but I am tired and very hungry. Lalo na at hindi ko na rin mahanap ang kakanin na dapat ay meryenda namin ngayong umaga, mukhang tinabi na nila ng tuluyan.

I grabbed a pair of sandwiches and some lumpia wrap. Umupo ako at ng magtama ang mata namin ay agad siyang lumayo sa mga tauhan namin na kausap niya.

Nagsimula akong kumain habang kumuha naman siya ng kanya, pagkatapos ay naglakad ulit siya palapit sa pwesto ko.

Tinuon ko ang atensyon sa pagkain hanggang sa maramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.

“You should try this…I cooked it at home.” Dahan-dahan nitong saad.

Napunta ang tingin ko sa paper plate na hawak niya, containing a slice of baked lasagna.

“This is enough for me.” Simple kong sagot at muling tinuon ang atensyon sa pagkain.

Binaba niya ang hawak na paper plate at tumikhim.

Laws in Love II: Spencer AceWhere stories live. Discover now