Chapter 29

617 48 22
                                    

“Then where are my things?” Tanong ko kay Ate Wilma.

Natapos akong kumain at bumalik sa taas para kunin ang cellphone ko pero wala ito kasama ng sling bag ko. It is noon already and I haven't check if I have important messages.

“Ay! Tumawag po si Atty. kaninang tulog pa kayo, kunin niyo daw po sa bahay nila, pero kung makakapaghintay kayo, siya na lang ang pupunta rito mamayang gabi. Busy po eh.”

I exhaled exaggeratedly. What is this again?

Mas lalo akong nawalan ng gana sa sinabi niya. I am planning on avoiding him because there is no way I still have the courage to face him after all the words that I have uttered, na hindi ko naman matatandaan na nasabi ko.

Ako ang pupunta o siya ang pupunta, either way, magkikita at magkikita pa rin kami pero…

“Tawagin mo ang driver, at ikaw na lang ang kumuha, Ate. I need my phone badly.” Utos ko pero hindi ito nakasagot agad.

I raised my brows at her and crossed my arms. Hindi siya pwedeng tumanggi dahil wala naman siyang pwedeng irason.

“Pero po…hmmm…pwede naman po siguro.” Hindi nito siguradong sagot.

Mas lalong tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Wrong choice of words and intonation. Nagbuga ako ng malalim na hininga.

“Can you please just go now? I needed my phone.” Pakiusap ko muli.

She called the driver and I stood in the main door looking at them as they left the house. Hindi rin naman kalayuan ang bahay nila dito kaya alam kong makakabalik rin sila agad. 

Umupo ako sa may bench at napahilamos ng mukha, pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi pero halos wala akong matandaan. 

I remember drinking…and dancing with Kale…but the rest are blurry. The only interaction that I remember that I had with him was when he told me to be careful with my drinks. 

At hindi nga siya nagkakamali sa parteng iyon pero hindi iyon ang punto. 

O baka naman niloloko lang ako ni Ate Wilma? She might be lying! Because I believed that I was able to bring myself here safe and sound. Pero wala ang mga gamit ko rito!

Napatayo ako at pumasok ulit sa loob. Nang may makita akong katulong ay lumapit agad ako. Maybe Ate Wilma is just teasing me, kailangan kong magtanong.

“Ate…” Tawag ko at agad siyang napatigil sa ginagawa.

“Ano po iyon, Senorita?” Nakangiti nitong tanong.

I licked my lips and looked at her seriously. 

“Nandito ba si Spencer kagabi, huh?”

“Opo! Siya po ang naghatid sa inyo dito kagabi.” Sigurado nitong sagot.

Mas lalo akong nawalan ng pag asa. 

“Nasukahan ko siya?” I asked next.

“Opo, dalawang beses diyaan sa may hagdan.” She answered and even pointed out the stairs.

God. I should have really taken his advice, huh?

“Then how about words? May mga nasabi ba ako?” 

Muli siyang tumango at maya maya pa ay napatawa ito. Agad na nanliit ang mata ko pero hindi naputol ang tawa niya.

What the fuck?! Did I do something worse?

“Opo, lasing po kayo eh. Nagyaya po kayo ng kasal.”

Nanlumo ako at napahinga ng malalim. So it is all true, huh? I did really say those words and it only means that I wasn't able to drive myself home. At sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko iyon maalala.

Laws in Love II: Spencer AceWhere stories live. Discover now