“Senorita naman eh, sana hindi na lang kayo sumama, wala naman po ata kayo sa sarili niyo.”
I pursed my lips as I watched Ate Wilma get frustrated with me. Pangalawang beses ko ng nahiwalay sa kanila kahit na hindi naman araw ng palengke sa amin kaya kaunti lang ang tao.
Sinamahan ko siyang mamalengke kasama ng driver namin pero kanina pa nablablangko ang isipan ko dahil sa mga nangyari kagabi.
Hawak niya ang listahan habang ang driver naman namin ang tagahawak ng mga pinamila namin. At kahit na wala naman akong ginagawa kung hindi ang tumayo sa gilid niya at panoorin siyang tumawad ay kusang lumilipad ang utak ko.
“Ako na lang po pupunta tapos sa may niyogan, balik na po kayo sa sasakyan.”
Tumango lang ako at tuluyan na kaming nagkahiwalay. We walked towards our car and just after a few minutes more, nakabalik si Ate Wilma hawak ang niyog na bili niya kaya tuluyan na kaming umalis.
Pagdating ko sa bahay ay balak kong magtrabaho ng mga papeles pero wala akong gana. I feel so unenergized on this day which is very rare. Gusto ko lang tumunganga at humiga sa kama ko hanggang sa kusa akong makatulog.
So that is what I did. Nakatulog ako ng tuluyan at nagising lang ng marindi ako sa tunog ng ringtone ko. I groaned and stretched my arms to reach it and answered it immediately without looking at the caller. Pikit pa rin ang mga mata ko ng sagutin ko ito.
“Hello?” I sleepily asked.
Hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya hanggang sa narinig ko ang pag buntong hininga niya.
“You’re early to bed.” He concluded.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng rumehistro sa akin ang boses ng kausap ko. I sat up and looked at the caller and saw his name on it.
“H-hindi, nakaidlip ako.” Taranta kong sagot at tumingin sa orasan ko. It is already eight.
“Okay listen. The two people who provided you the bounced checks are already in the hands of the company. And they want to negotiate.”
My eyes went wide. “R-really?”
This is good news for me.
“Yes. But they are in Manila. And it would be better if you talked to them personally.”
Tumango-tango ako at tuluyan na napatayo. “I’ll schedule a day for that. Ngayong linggo rin.”
I am sure Mom would be relieved. Wala pa man kasunduan pero malaking bagay na na sumuko sila.
“Okay. But I’ll visit you tomorrow. Rest for now.”
My eyes went wide once again with his statement. Hearing him say those words felt so unfamiliar yet very familiar. At ibang-iba ang tono niya ng bigkasin niya ang mga ito kumpara kanina ng nagbabalita siya sa kaso.
“Okay…I’ll see you tomorrow then.” Mahina kong saad.
Doon natapos ang tawagan namin ng sakto namang tawagin ako ni Ate Wilma para sa dinner.
I felt energised the next morning. Ibang-iba kahapon kaya naman maaga pa lang ay nasa farm na ako. Pansin rin ni Ate Wilma iyon kaya naman kung hindi niya pa ako sinita na malapit na ang lunch ay hindi pa ako titigil sa pagtratrabaho.
Kailangan kong asikasuhin ang mga kailangan ko na at magbilin kahit na ilang araw lang naman ako mawawala. Hindi ko rin naman pwedeng iasa ang lahat ng ito kay Mama lang dahil hangga’t maaari ay ayoko ng magtrabaho siya.
“Kailan ka pupunta ng Maynila kung ganon?”
I drank my water and looked at Mom.
“Bukas po ng gabi, may mga kailangan pa po akong tapusin at ibilin.” Turan ko.
YOU ARE READING
Laws in Love II: Spencer Ace
General FictionNina likes Spencer more than she have ever thought. Or maybe it was too much...or was it?