Chapter 16

326 34 10
                                    

Wearing my pink off shoulder dress, white sneakers and the anklet that he had given me, we hiked for a little while to reach the top of the hill.

Magkahawak kamay kami at sa kabila naman ay hawak niya ang picnic basket na inihanda niya para sa amin.

This will be our first official date as a couple and I’ve been anticipating this, these past few days. 

Pagmamay ari rin namin ang burol na ito pero hindi ko masyadong napupuntahan dahil may kalayuan. The hilltop is perfect for sunset seeing and that is what we have planned for today.

Amd since it is a private property, kami lang ang nandito ngayon, habang ang motor niya ay nasa paanan naman.

“We are here.” He announced and looked at me.

May tatlong puno ng akasya ang taas nito at hindi rin madamu. Mom had planned on developing it before but it was just a plan. Wala pang nagbabago pero kung sakaling magkaroon ako ng interes ay ako na siguro ang magpapatuloy. 

Tinulungan ko siya sa paglatag ng picnic blanket namin at pag aayos ng mga laman ng basket na dala niya.

“Drink some water.” 

Inabot ko ang bottled water na dala niya at uminom rito. 

The hilltop is quite high. Nakakapagod ng kaunti pero maayos naman ang daan paakyat kaya mas mabilis ang paglalakad namin. Hindi rin mainit dahil sa mga puno, iyon nga lang ay siguradong malubak ang daanan kapag tag ulan na.

And for the view…hindi ko mapigilan na mamangha habang tinitingnan ang malawak na lupain namin. I could also see our house from here that somehow still looks so huge.

Medyo maaga pa kami pero tatambay naman kami dito at aabangan ang paglubog ng araw kaya ayos lang. Presko rin ang hangin kaya hindi mainit.

“Let me tie your hair…” Saad nito mula sa likod ko.

I gave him my scrunchie and sat on the blanket. He then sat too and caged me as he spread his legs on both of my sides. Hindi ko tuloy mapigil na mapangiti. 

Inipon niya ang mahaba kong buhok at simpleng itinali ito. Pagkatapos ay agad na pumulupot ang bisig niya sa akin at hinila palapit sa harapan niya.

I tried to surpass my smile but I couldn't. This moment just feels so intimate.

His veiny arms wrapped around my waist and his hot breath, fanning my bare nape and shoulder made me feel tingles. 

Tumikhim ako at humawak sa bisig niyang nakapulupot sa akin.

“Nasa Maynila na Mama mo, kailan sila uuwi rito?”

He sighed heavily and felt him kiss my bare shoulder.

“The next day. Do you want to come to the terminal with me?” Maamo nitong tanong.

Umiling ako. “It would be better if I met her in your home. Ayokong makaabala lalo na at ngayon ka niya lang ulit makikita at ng Lolo at Lola mo. At pagod siya sa biyahe.”

Naramdaman ko ang pagtango niya sa likod ko at pagdantay ng kanyang baba sa balikat ko. The butterflies in my stomach worsened, thinking that we could really get this intimate.

Muli akong napatikhim.

“How about school? Kailan ang enrollment?” Pagsasawalang bahala ko sa nararamdaman.

“Next week…sabay na tayo?” He murmured near my ear. 

Napalunok ako ng malalim.

“Pw-pwede naman pero, kasabay ko rin si Kale.” Mahina kong sagot.

Laws in Love II: Spencer AceWhere stories live. Discover now