Panay ang buntong hininga ko habang naghihintay ang instructor namin.
It is another semester for me while Spencer will be graduating in a few months, pagkatapos ay ilalakad na niya ang mga papeles niya at tuluyan na siyang mag aaral sa Maynila.
Mas mabilis ang oras kapag masaya ka. That is what people always say. And now that he is not around, I really felt it to the bones.
“Don’t be too sad, Nina. Darating rin naman si Spencer dito bukas.” Pang aalo ni Kale sa akin.
I pouted my lips and sighed heavily again.
Nagpunta ulit siya ng Maynila para ihatid sa airport ang Mama niya at nina Gabriel. Papasok rin siya bukas pero tatlong araw sila doon.
Hindi ko tuloy maisip kung paano kami kapag mag aaral na siya sa Maynila.
Will I be able to stand months of not seeing him in flesh?
I don’t know but we definitely need to work it out. Hindi pwedeng ganito.
Dumating ang instructor namin at doon na ako umayos. Mabuti na lang at wala pa namang masyadong ginagawa ngayong unang linggo dahil nakukulangan pa ako sa bakasyon namin.
It felt shorter than usual but it is probably because I am always with Spencer.
The next morning, I was more energized. We called last night at nasa byahe na siya pabalik rito kaya ngayong umaga ay susunduin na niya ako.
“Pinapasok ko na si Spencer, he is in the sala so hurry up with your breakfast, Nina.”
Nagulat ako sa biglang pasok ni Mama at upo sa tapat ko.
Nagmamadali kong inubos ang tubig ko at nagpunta sa may sala. I am already wearing my uniform, except the heels and my hair is done too.
And just like what Mom has said, he is already there waiting for me in his uniform.
Nagtama ang mga mata namin at agad siyang napatayo. A smile crept into his lips and so did I as I slowed down.
Nang tuluyan kaming nagkalapit ay agad akong yumakap at ganon rin siya sa akin. Sumubsub ako sa dibdib niya at rinig ko ang marahan niyang pagtawa.
I miss him so much in three days.
“How was your Mom?” Tanong ko.
“She is fine...she cried a lot but she’s fine.”
Ngumiti ako at tumango. “Kukunin ko lang gamit ko.”
Pagkatapos ay umakyat ako sa silid ko at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko.
Sabay kaming pumasok ng school at inihatid niya pa ako sa room namin. Panay ang tingin ng mga ibang estudyante sa amin at may narinig pa akong suminghap.
“Haba ng hair mo, Nina!” Kale teases right away as I sit down.
I flipped my hair and we both laughed right after.
Kung dati ay si Kale lang ang dati kong kasama, sa loob man o sa labas ng ekwela, ngayon ay nahahati na.
I often have my lunches with Kale but whenever Spencer had time, kami ang nagsasama at kahit na niyayaya pa namin si Kale ay binibigay na niya ang oras sa amin.
The feeling was quite overwhelming for me. At minsan ay hindi ko maiwasan na titigan siya, iniisip kung paano ba kami humantong sa ganitong sitwasyon.
It feels so surreal but he is really here beside me, we call each other very night and it became part of our daily routine, susunduin niya ako at ihahatid sa bahay kapag may oras siya at pati ang mga bagay na iyon ay hindi ko na mapigilan na abangan sa araw-araw.
YOU ARE READING
Laws in Love II: Spencer Ace
Fiksi UmumNina likes Spencer more than she have ever thought. Or maybe it was too much...or was it?