Kabanata 31

65 4 0
                                    

"Tinatangi kita!"

Napahinto ako sa paglalakad saka ako tulalang tumingin sa harapan ko. Iniisip kung tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lang iyon. Napakurap kurap ako saka ko kinurot ang sarili ko kasi baka nananaginip lang ako.

Imposibleng tama ang narinig ko diba?

Ilang sandali pa ay may narinig akong yabag na papalapit sa akin. Kahit hindi ko na lingunin ay sigurado agad ako kung sino iyon dahil kami lang namang dalawa ang nandito eh. Ang kabog ng puso ko ay palakas ng palakas tulad ng yabag niya na palakas ng palakas habang papalapit siya sa akin.

"Nathalia" napasinghap ako nang masiguro kong hindi nga ako nananaginip! Maaaring totoo ang narinig ko kanina.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya habang ramdam ko na ang presensya niya sa likuran ko. Hindi ko alam kung haharap ba ako o tatakbo?

"Nathalia..iyo bang marinig ang sinabi ko kanina lamang?" ika niya sa malumanay na boses

Sabihin ko bang oo? Or magsinungaling ako? Para hindi awkward ganon

Hindi ko mahagilap ang mga salitang gusto kong sabihin. Unti unti akong humarap sa kanya kahit na pakiramdam ko anytime matumba ako dahil sa panginginig ng mga paa ko.

Pagharap ko ay tumingala pa ako upang makita ang itsura niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula niya pero nakakatuwang ang tapang niya para lapitan pa ako sa kanila ng nasabi niya kanina.

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ndi ko kayang tignan ng matagal ang mga mata niya. Tsaka natatakot ako na baka mabasa niya ang nasa mga mata ko. Natatakot din ako na baka..marinig niya kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito.

"Uulitin ko ang sinabi ko marahil ay hindi mo narinig nang maayos.." muli siyang huminga ng malalim at ganon na lamang ang gulat ko nang hawakan niya ang baba ko upang tignan siya.

Nagtama ang aming mga mata at kita ko ang kislap ng kanya.

"Tinatangi kita" ika niya habang diretsong nakatingin sa akin.

Hindi talaga 'to panaginip! Umamin talaga siya sa akin..sa ilalim ng bilog na buwan at naglikislapang mga bituwin.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil ito ang kauna-unahang beses na may mag-confess sa akin sa ganitong paraan pa..diretsahan, eye to eye.

Gumalaw galaw ang labi ko para sana magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko..ewan ko kung epekto ba 'to ng confession niya o talagang hindi ko na kaya magsalita pa

Dahan dahan niyang binitawan ang aking baba saka siya humakbang paatras ng isang beses. Nanatili siyang nakatingin sa akin..nandon parin ang kung anong kislap sa kanyang mga mata.

"Paumanhin kung nagulat kita sa biglaang pag-amin ko sa iyo ng aking nararamdaman. Maging ako'y hindi ko mabatid kung bakit at kung paano nagsimula. Bueno, hindi na mahalaga iyon..ang mahalaga ngayon ay ang katotohanang tinatangi kita at nawa'y balang araw, masuklian mo ang aking nararamdaman sa iyo"

***

Halos hindi ako makatulog magdamag dahil paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni Luis kagabi..na gusto niya raw ako.

Kahit kulang ako sa tulog ay pakiramdam ko sobrang dami kong energy ngayong araw. Maliksi akong kumilos at alam kong nawi-weirduhan sa akin ang mga kasama ko sa bahay pero wala akong pakialam dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya ako at kinikilig ako!

Halos pakanta kanta pa ako habang naglilinis at halos agawan ko pa ng trabaho ang ilan sa kanila pero hinayaan lang nila ako. Kahit ilang oras na akong kumikilos ay hind ako nakaramdam ng pagod, ang tanging nararamdaman ko lang ay saya at kilig!

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now