##### Chapter 3 Training Camp Island
Nakatakip ang mga mata ni Faye ng panyo hanggang makababa sila. She didn't know where they were, the last thing she remembered was that they boarded in the helicopter with the other children.
Pagtanggal ng panyo sa mata n'ya ay nakita n'ya ang napakalaking isla, kasama n'yang bumaba ang iba pang mga bata, mga batang lalaki at mga batang babae. Bale, lima silang ibinaba sa helicopter. They followed Mishiko and they saw the other children, they were lined up in the middle at pare-pareho ng suot, plain white V-neck t-shirt at brown pants.
" Makinig kayo! Simula ngayon, kayo-kayo na ang magiging bagong magkakapamilya, " sigaw na sabi ni Mishiko. Ngunit ang isang batang kasama nila ay biglang nag-panic.
" No! I don't like it here! "sigaw ng batang babae.
" Do you want to go home to your Mommy? But you don't have Mommy anymore, pinatay na namin. "
" Ayaw ko sa inyo, masasamang tao kayo! I want to go home, isusumbong ko kayo sa pulis! "
" Gusto mo ba talagang umuwi? "
" Isusumbong ko kayo sa mga pulis, mga bad kayo! "
" Kung 'yan ang gusto mo, sige makakaalis ka na. "
Dahil sa sinabi ni Mishiko sa batang babae ay bigla itong tumakbo papaalis ngunit hindi pa man s'ya nakakaabot sa helicopter ay isang putok ng baril ang tumapos sa buhay n'ya, head shot. Lahat sila ay nagsigawan dahil sa nangyari, natulala na lang din si Faye. Malapit kasi sa harapan n'ya nangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa batang babae.
" Makinig kayo! " sigaw ni Toshiro na lumapit sa kanila. Hawak n'ya ang sniper gun na kumitil sa buhay ng bata kanina.
" This is the Training Camp Island, simula ngayon ay ito na ang magiging tahanan ninyong lahat. You will never be able to leave this place until the training is over, ang sinumang tumakas o hindi sumunod sa rules ay magagaya sa batang 'yan! " dugtong na paliwanag ni Toshiro, sabay turo sa batang babae na patay na.
" You will forget who you are and bury your names in the pit. Here at Training Camp Island, a new life will open for all of you. Hahayaan namin kayong mamili kung ano ang magiging bagong pangalan n'yo bilang codename, bukas na bukas rin ay dapat makapagbigay na kayo! Bukas din, mag-uumpisa ang panibagong training ninyo. Naiintindihan n'yo ba!
" Yes, Sir! " sigaw ng mga batang nakahilera na para bang mga training na sundalo, ngunit ang mga takot at panginginig sa katawan nila ay hindi maitatago. Napatingin na lang si Faye sa kanila dahil wala s'yang maintindihan kung ano ba ang nangyayari.
*****
Maging sa pagtulog ay may uniform sila, lahat sila ay pinagpalit ng terno na white, jogging pants at t-shirt. Double-deck ang hinihigaan nila at napakarami nilang bata na nando'n. Tinititigan ni Faye ang buong paligid at sa tingin n'ya ay nasa 300 silang nakakulong sa Training Camp Island, dahil may dalawa pa silang kwarto na nadaanan kanina na may nakasulat kung ilan ang tao sa loob, sa bawat kwarto ay 100 ang mga batang naro'n. Ang pangatlo ay ang kinalalagyan n'ya ngayon.
Nasa dulong bahagi ang higaan ni Faye, sa ibaba s'ya ng double-deck at sa katabi n'ya ay ang isang batang babae na kanina pa n'ya napapansin na tahimik kaya naman sinubukan n'ya itong kausapin.
" Anong pangalan mo? " tanong ni Faye Lumapit s'ya sa bata at naupo sa gilid ng kama nito. Umupo naman ang bata para harapin s'ya.
" Lingling Kwong, 'yan ang pangalan ko. I-ikaw, anong pangalan mo? "
" Faye, Faye Pulvera, " nakangiting sagot n'ya.
" Ilan taon ka na ba? Saka, matagal ka na bang nandito? "
BINABASA MO ANG
Hired Killer
FanfictionSynopsis Faye's lives happily with her family and her younger sister. Her younger sister has a heart disease and Faye has nothing else to ask for but for her sister to be cured of the illness. One night, a group of syndicate enters their house and...