Hired Killer Chapter 10

146 3 1
                                    

##### Chapter 10 Bubblegum's Past Still Haunts Her

Katulad ng dati, pagkatapos ng mission nila ay bibili si Chocolate ng cake at magkukulong na sa kwarto nito.

Kaya naman napagpasyahan ni Bubblegum na magpahangin na lang muna sa labas hanggang dalhin s'ya ng destinasyon n'ya sa harap ng dati nilang bahay. She could not understand why her feet carried her to the opposite side of their old house. Once again, she remembered what had happened when the Great Father's men entered their house and took her away. Kung paanong walang awa nilang pinatay ang Daddy n'ya. Mabuti na lamang at wala no'n ang Mommy n'ya, kaya naman naligtas ito at hindi nakasama sa kamatayan, but now she wonders if it was really right that her Mommy survived.

Nagagalit s'ya rito dahil parang kinalimutan na s'ya nito at ang nangyari sa Daddy n'ya. Masayang-masaya kasi ito kapiling ang bago n'yang pamilya, ang bago nitong asawa na may anak na babae na sa tingin ni Bubblegum ay nasa highschool student na rin. She is pretty and strong in appearance, but her face shows that she is a trouble maker.

Ayaw man ni Bubblegum, pero palagi n'yang pinupuntahan ang Mommy n'ya sa bagong bahay nito kasama ang asawa at ang anak ng asawa nito. Palihim n'yang pinagmamasdan sa malayo ang Mommy n'ya, gustuhin n'ya mang magpakita rito ngunit wala s'yang magagawa. Pa'no s'ya haharap dito kung isa na s'yang makasalanan na tao.

Bubblegum was hiding behind a big tree when someone came out of the house. She saw the girl coming out the door and then her Mommy was holding her back.

" April, Anak, gabi na huwag ka nang lumabas. Intindihin mo na lang ang Daddy mo, galit lang s'ya kaya nasabi n'ya sa 'yo ang mga bagay na 'yon. " Narinig ni Bubblegum na sabi ng Mommy n'ya, habang pinipigilan 'yong tinawag n'ya na April. But April just took away the hand that was holding her back, which is why Bubblegum was annoyed because of its rudeness.

" Ano bang pakeilam mo! Pumasok ka na nga sa loob. Hindi ko kailangan ng awa mo! " singhal na sabi ni April. Lumabas naman ang Daddy nito at galit na galit na hinawakan sa kamay ang Mommy n'ya.

" Kaya lumalaki ang ulo ng bata na 'yan dahil palagi mo na lang kinakampihan, pabayaan mo s'ya nang magtanda s'ya! " sigaw ng Daddy n'ya, pagkatapos ay hinila na papasok ang Mommy n'ya. Si April naman ay ngumisi lang at naglakad na papaalis.

" Pasaway na bata, " bulong ni Bubblegum, habang pinagmamasdan n'ya ang naglalakad papalayo na si April.

Bubblegum couldn't understand herself why she thought of following April. She was suddenly curious about April's personality, what her habits were and what she was busy with in her life.

Sinundan n'ya ito hanggang sa makarating sila sa maliit na eskinita, but Bubblegum was surprised when suddenly a group of students surrounded April. They were carrying steel baseball bats. Mga babae ito at lalaki.

" Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, " anas ng isang babae na sa tingin ni Bubblegum ay leader ng grupo na ito. Nakatago lang s'ya habang pinagmamasdan sila.

" Humanda ka dahil lulumpuhin kitang mang-aagaw ka! "

" Sino namang inagaw ko? " sagot ni April na nakangisi pa.

" Nagmamaang-maangan ka pa! "

" Wala akong inaagaw sa 'yo, 'yong boyfriend mo ang nagpapansin at nanligaw sa 'kin. Saka, napilitan lang naman ako na patulan s'ya dahil nakukulitan na ako sa kanya kaya huwag mo akong sisisihin. Kung gusto mo, sa 'yo na s'ya ulit, " dugtong pa ni April na tila ipinagmamalaki pa ang mga sinabi n'ya.

" Mayabang ka talaga! Tingnan natin kapag nasira 'yang mukha mo kung magagawa mo pang magyabang! " sigaw ng babae. Bigla naman nakaramdam ng takot si April dahil sa narinig.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon