Hired killer Chapter 37

204 10 1
                                    

##### Chapter 37 Sabotage Great Father's Command

Nakaramdam ng pangamba si Lux habang papalapit sila sa bahay nina Yoko. Alam n'ya kasing kinaiinisan s'ya nito pero kailangan nilang sunduin si Faye dahil napaka-importante ng pupuntahan nila at buhay ang nakasalalay rito.

Lux took a deep breath before knocking on Yoko's door.

Napakunot noo si Yoko dahil wala naman silang inaasahan na bisita. Nasa sala ng bahay sila ni Faye habang nagkakape nang may sunod-sunod na kumatok sa pintuan.

Gayunpaman ay nagmadaling tumayo si Yoko upang buksan ang pintuan ngunit sa sandaling binuksan n'ya ang pinto, ang kanyang ekspresyon ay nagbago mula sa pagkagulat hanggang sa pagkairita.

" Lux? " she huffed, crossing her arms. Damang-dama ang kanyang paninibugho. Inaasahan ni Yoko ang isang tahimik na gabi kasama si Faye, dahil nangako ito na sa bahay n'ya matutulog kaya naman nagulat s'ya dahil biglang sumulpot si Lux.

" H-hi Yoko, we need to talk to Faye, " Lux said cheerfully, though she could feel the tension. Alam n'ya na naiirita sa kanya si Yoko.

" Ano bang kailangan mo kay Faye? " Yoko pouted, her brows drawn together in frustration.

Midnight whispered,
" Yoko. We're in serious trouble here, pakiusap huwag na muna kayo magtalo ngayon. Kailangan naming makausap si Faye, may mahalaga kasi kaming pupuntahan. "

Faye appeared behind Yoko, her eyes widening in delight upon seeing Lux.
" Hey! What's going on? " she asked.

" Faye, I need to talk to you for a second. May importante akong sasabihin, " Lux said, her tone overly casual, attempting to slice through the tension.

Yoko folded her arms even tighter.
" Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa harapan ko kung ano ang kailangan n'yo kay Faye? " she shot back, trying to inject herself into the conversation.

" Yoko, please, buhay ang nakasalalay rito. Wala na akong panahon para magpaliwanag pa sa 'yo. "

Sa sinabi ni Lux ay lalo lang naguluhan si Yoko, kaya naman pumagitna na si Faye.

" Hamster, may tiwala ka naman sa 'kin, hindi ba? "

" Sa 'yo mayro'n, pero sa Lux na 'yan wala. "

" Hayaan mo muna na sumama ako sa kanila, babalik ako. "

" Sigurado ka? "

" Oo naman, hindi pa tayo tapos mag-usap. May liliwanagin pa ako sa 'yo tungkol sa 'min ni Lux. "

" Babalik ka huh. "

Pinisil nang marahan ni Faye ang pisngi ni Yoko at bahagyang ngumiti bago lumabas ng bahay at senyasan ang mga kasamahan n'ya.

They quickly went to Orm's House to pick up Ling, when they were done and as Lux drove towards their destination. Midnight gave Chocolate her guns. Gan'on rin kay Bubblegum, iniabot nila ang espada nito at ang bulletproof vest.

" Sabihin n'yo nga, ano ba talaga ang nangyari? " tanong ni Chocolate, habang inaayos ang kanyang mga baril at isinusuot ang bulletproof vest.

" Kaya nga? Naguguluhan ako, may mission ba tayo? " sambit ni Bubblegum.

Lux explains to Faye what is going on and where they are going, nagulat si Faye nang nalaman na papunta ang mga tauhan ni Great Father sa bahay ng pamilya kung saan nila itinago ang bata.

That's why Chocolate suddenly became serious while adjusting the bulletproof vest that she was wearing then tightly held her gun.

***********

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon