Hired Killer Chapter 8

192 6 1
                                    

##### Chapter 8 Family Not By Blood But By Heart

*****Police Detective Office*****

" Nakakaasar na 'tong mga nangyayari sa 'tin, "  anas ni Khaila Lhysithea also known as Detective Khaila. Naupo s'ya, pagkatapos ay nilamukos ang mga files na nakapatong sa table n'ya.

" Easy ka lang, malulutas din natin 'tong kaso na 'to, " sambit naman ni Eurisa Nielo (Detective Eurisa).

" Pero nakakapagtaka ang mga nangyayari, all the CCTV's in the building have been erased. We can't see anything and even the people can't point to anyone as a suspect in the murder of Victor Grayson, " sabi ni
Ashe Lanquino (Detective Ashe), habang nakatayo s'ya at nakasilip sa bintana, malalim na nag-iisip.

" I'm sure the criminals are undercover, they seem to be professional killers. There have been several cases that have passed through us, but there is nothing we can do, " sabi ni Eurisa.

" Just like when we were given the case of the missing children 15 years ago, the evidence suddenly disappeared and it's surprising that they put it on hold until the case was forgotten, " sambit ni Khaila.

" Hindi naman tayo ipinanganak kahapon para hindi natin isipin na mayro'ng malaking tao ang pumo-protekta sa kanila kaya hindi natin nalutas ang kaso na 'yon. Nakakahiya sa mga pamilya no'ng mga nawawalang bata dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin na makikita sila. At itong nangyayari sa 'tin ngayon dahil sa kaso na hawak natin para nila tayong pinaglalaruan. Pinapalutas sa 'tin ang isang kaso na hindi naman mahanap ang sagot, " anas ni Ashe.

" Tama ka d'yan, pero hindi tayo titigil hangga't hindi nakikita itong mga grupo kung sino man sila, ilang taon na nila tayong pinapahirapan para hanapin sila. Kahit malaking tao pa ang nasa likod nila, hindi tayo titigil hangga't hindi sila nahuhuli at nagbabayad sa batas, " madiing sabi ni Eurisa na desidido sa bawat kataghang sinambit n'ya.

Tumayo na silang tatlo upang maghanap pa ng mga ebidensya upang mahuli nila ang mga salarin, kahit wala silang ideya kung anong klaseng tao ang kakalabanin nila.

**********

*****Public Hospital*****

" Sige po Doc salamat, babalikan ko na po si Yuna sa kwarto n'ya, " nakangiting kausap ni Yoko sa doktor, pagkatapos ay nagpaalam na s'ya para balikan si Yuna sa kwarto nito.

" Yuna, "  bati ni Yoko pagpasok n'ya sa kwarto ni Yuna.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo? "

" Okay na ako, Yoko. Pasensya ka na huh dumagdag pa ako sa mga problema mo. Gusto ko lang naman makatulong sa 'yo. Tapos ito pa ang nangyari. "

Umupo si Yoko sa gilid ng kama ni Yuna at marahang hinawi ang buhok n'ya na tumatakip sa mukha nito.

" Ano ka ba, ang mahalaga ay okay ka na. Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon eh, kaya ko naman magtrabaho para mag-provide ng pagkain at mga pangangailangan natin sa bahay. Sabi ko naman sa 'yo hindi ba, ako na ang raraket para sa 'tin. Alam mo naman na kahit naoperahan ka na sa puso, eh hindi pa rin gan'on kalakas 'yan. "

" Sorry talaga. "

Si Yoko ( Yoko Apasra) at Yuna ay matalik na magkaibigan. Halos magka-edad lang din sila. Kasama nila sina Orm at ang iba pa nilang mga kaibigan, magkakapitbahay din sila at iisang pamilya ang turingan sa isa't-isa.

" Yuna! " sigaw na bati ni Orm. Pumasok s'ya sa pintuan kasunod sila Devine (Vine), Eigshanne Fernandez (Shanne) Julie Mejia (Julie), Kate Calinawan (Kate) na kapwa kaibigan at tauhan ni Orm sa kanyang maliit na negosyo, ang Orm Pansiteria at ang Orm Rental Service Chairs, Tables, Tent and Videoke para sa mga parties. Sila na rin mismo ang naglalagay ng mga disensyo kapag may clients sila.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon