##### Chapter 28 Yoko's Parents
Faye called Yoko several times but she didn't answer, her cellphone kept ringing. She tried to call her again and finally someone answered from the other line.
" Hello Hamster, bakit ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo? "
" Ate... "
" Yuna? " nagtatakang tanong ni Faye, dahil nabosesan n'ya ito kaagad.
" Naiwanan kasi ni Yoko ang cellphone n'ya Ate, narinig kong nagri-ring kaya ako na sumagot. "
" Bakit nasaan si Hamster? "
" Tumawag kasi 'yong sa mental institution, nawawala raw ang Mama ni Yoko. Habang pinaiinom daw nila ng gamot, nakatakas daw. "
" Pa'nong nakatakas? "
" Ilang beses n'ya na sinubukang tumakas, lagi n'ya sinasabi delikado daw ang buhay n'ya kaya kailangan nilang tumakas ng anak n'ya. Nagkataon na naging pabaya 'yong nagbabantay sa kanya kaya no'ng nakakuha ng pagkakataon ang Mama n'ya nakakuha s'ya ng matulis na bagay tapos sinaksak 'yong nurse kaya nakatakbo s'ya palabas. Nakita raw sa CCTV na sa likod s'ya dumaan kaya nagpunta ro'n si Yoko ngayon, " mahabang paliwanag ni Yuna.
" Yuna, i-text mo sa 'kin 'yong address ng mental institution, pupuntahan ko si Yoko. "
" Sige, Ate, " sambit ni Yuna,
Pinatay na ni Faye ang tawag, pagkatapos ay nagmamadaling lumabas at sumakay ng kotse n'ya para puntahan si Yoko. Madali namang tinext ni Yuna ang address ng mental institution kaya nagdire-diretso na s'yang nag-drive papunta rito.
***********
Faye quickly tracked down the mental institution where Yoko's mother was, she immediately entered and looked for Yoko. Faye arrived at a CCTV room because a staff member took her here and immediately saw Yoko restless as they began to review the CCTV.
" Yo, " tawag ni Faye kay Yoko. Nang humarap ito sa kanya, kita n'ya ang labis na pag-aalala nito kaya naman mabilis s'yang lumapit dito. Inakbayan n'ya si Yoko upang iparamdam na karamay s'ya nito.
" Pwede ko bang makita 'yong footage ng CCTV? " tanong ni Faye, kaya naman muling nag-play ang CCTV footage.
Seryosong pinanonood ni Faye ang CCTV footage mula sa pagpasok ng nurse sa kwarto nito at pagtago ng isang gunting ng Mama ni Yoko hanggang sa saksakin n'ya ang nurse at tumakbo ito sa likod ng mental institution na tila ba parang alam na alam nito kung ano ang ginagawa n'ya.
" Sigurado ba kayong totoong wala s'ya sa katinuan? Para kasing kalkulado at alam na alam n'ya kung ano ang ginagawa n'ya? " tanong ni Faye kaya naman nagtingian ang lahat sa kanya. Labis kasi ang pagtataka ni Faye dahil parang planado ang lahat ng galaw nito.
Nang hindi s'ya sagutin ng mga ito dahil pati sila ay napaisip, ay muli na lang nag-focus si Faye sa panonood ng CCTV footage.
" Sandali, itigil mo, " sambit ni Faye, tinitigan n'ya kasing maigi ang buong lugar bago tuluyang hindi mahagip ng CCTV ang Mama ni Yoko.
" Balik mo konti, may titingnan lang ako, do'n sa bago s'ya lumiko tapos i-zoom mo, " dugtong na sabi pa ni Faye na kaagad namang sinunod." Itong nilikuan n'ya, saang lugar papunta? " tanong ni Faye, nag-isip ang mga tao sa paligid nila pero wala silang maisagot.
" Yo, isipin mo kung saan pwede magpunta na lugar ang Mama mo. "
Hinawakan ni Faye ang kamay ni Yoko at maraan itong pinisil upang pakalmahin ito." S-sa amusement park, do'n kami madalas pumupunta ni Mama. "
" Itong nilikuan n'yang way papunta na sa amusement park 'to? "
BINABASA MO ANG
Hired Killer
FanfictionSynopsis Faye's lives happily with her family and her younger sister. Her younger sister has a heart disease and Faye has nothing else to ask for but for her sister to be cured of the illness. One night, a group of syndicate enters their house and...