##### Chapter 41 Yoko's True Identity
******Flashback*******
Si Lydia ay nagmula sa isang simpleng pamilya, maaga s'yang naulila. Her mother died of illness, while her father died in an accident when he once worked as a construction worker. But, she never lost hope and dreams in life that one day, even in a small way, she will be able to get out of hardship.
In her decision to apply as a maid, she arrived at the Apasra Mansion, a large house full of wealth but shrouded in mystery.
Pagpasok n'ya sa puting gate na iyon, isang bagong kwento ang magsisimula. Ang unang araw niya sa mansyon ay puno ng takot at pananabik. Mula sa mga mamahaling muwebles hanggang sa mga naka-display na alahas, ang mansyon ay tila isang palasyo.
Sinalubong s'ya ng isang matandang babae. Nagpakilala ito bilang si Aling Marta, ang s'yang nangangasiwa sa mansyon, matagal na s'yang nagtatrabaho sa pamilya Apasra.
" Oh! Tamang-tama, dumating ka na. Lydia ang pangalan mo, hindi ba? "
" O-opo, ako po si Lydia. "
" Nasa gym si Eduardo. Pakidalhan mo ng tubig at towel. "
" Po? " gulat na sagot ni Lydia. Ngunit sa loob-loob n'ya ay sabik s'ya na masilayan ang nag-iisang anak ng mga Apasra.
Bago pa siya makapalag, narinig na niya ang tunog ng mga dumbbell na tumutunog sa isang sulok ng mansyon. Nasilayan n'ya si Eduardo, nasilip n'ya ito mula sa bukas na pintuan na napakagwapo at matipuno. Abala ito sa kanyang pag-eehersisyo. Sa paningin ng mga kasambahay, siya'y isang perpektong nilalang. Magkalayo ang edad ni Lydia at Eduardo, ngunit hindi naman ito mapapansin dahil alaga ang pangangatawan ni Eduardo.
" Aling Marta! Nasa'n na ang tubig at towel na pinapakuha ko! " sigaw ni Eduardo, mula sa kwarto.
" Sir, papunta na d'yan si Lydia! " sagot na sigaw ni Aling Marta, pagkatapos ay tumingin kay Lydia.
" Sige na, bilisan mo dalhin mo na ang tubig at towel ni Sir Eduardo. "Mabilis na tumakbo si Lydia, dala ang mga ipinapakuha ni Eduardo.
" Pumasok ka. "
Kinabahan si Lydia sa tawag nito, ngunit hindi niya maikaila ang init na umusbong sa kanyang puso. Habang nilalapit ang tubig at towel, nabigla siya sa kanyang damdamin. Minsan, naiisip niya kung ano ang magiging buhay niya kung hindi siya kasambahay kung hindi isang tao na tulad ng kanyang amo. Pero alam niya, mga pangarap lamang iyon.
Kilala n'ya si Eduardo, dahil mula ito sa mayamang pamilya. Maraming nagkakagusto rito, isa na si Lydia do'n ngunit alam n'yang hanggang pangarap lang ito.
Sa mga nagdaan na linggo, naging mas magaan ang kanyang tungkulin. Each day was filled with smiles and laughter with Eduardo. They often talk about small things, passions, dreams. At si Lydia, sa kabila ng kanyang posisyon bilang kasambahay ay hindi ito ipinaramdam sa kanya ni Eduardo. Eduardo also doesn't know why he has strange feelings for Lydia.
They both found happiness in each other. It's as if their relationship is growing stronger with every furtive glance and touch. But there are conversations that seem to have hidden feelings.
" Lydia, anong pinagkakaabalahan mo sa buhay? What do you want to do? " Eduardo asked, while they were at the lake of the mansion to have a picnic.
" Nagsusulat po ako Sir, bata pa lang ako hilig ko na ang pagsusulat kaya naman kapag may libre akong oras, nagsusulat ako, " mabilis na tugon ni Lydia.
" Mga kwento na umiikot sa pag-ibig ang hilig kong isulat. Nakikita ko kasi 'yong sarili ko sa mga bidang babae. Parang ako, imposibleng mangyari, palaging nangangarap nang gising. "
BINABASA MO ANG
Hired Killer
FanfictionSynopsis Faye's lives happily with her family and her younger sister. Her younger sister has a heart disease and Faye has nothing else to ask for but for her sister to be cured of the illness. One night, a group of syndicate enters their house and...