Hired Killer Chapter 16

161 5 3
                                    

#####Chapter 16 First Kiss

As planned, they celebrated the reunion of Faye and Yuna. In front of Yoko's house, they are making preparations so that they can share food and drinks.

They all ate happily while laughing, but when the night came Yoko let Ice, Suthea, Mary Jane, Rachel and Melanie go in first because they had to go to school early for tomorrow.

" Pasensya ka na Kamahalan huh, hindi ko talaga afford 'yong mga sinasabi mong alak, ni hindi ko nga alam kung anong itsura no'n. Mayro'n lang kami dito gin bilog with pineapple. The best 'to promise, malalasing ka talaga, " nakangiting sambit ni Yoko, pagkatapos ay lumapit pa s'ya ng husto kay Faye, kaya naman pinitik s'ya nito sa noo.

" Aray naman, ganyan ka ba magmahal, nananakit ka, " naka-pout na sabi ni Yoko.

" Tumahimik ka na lang kasi napakaingay mo. "

" Try mo muna Faye, kung kaya mong inumin. Kung hindi naman, okay lang huwag mong pilitin, " sabi ni Orm, sabay abot ng babasagin na baso kay Faye.

Nakailang lunok ng laway si Faye bago n'ya inumin ang iniabot na alak sa kanya ni Orm. Si Orm kasi ang tanggera nila. Nape-pressure rin kasi si Faye dahil lahat sila ay nakatingin sa kanya. Isa pa, naninibago s'ya dahil iisang baso lang ang gamit ng lahat para sa inuming alak, ipinapaikot lang ito sa kanilang lahat. Sa buong buhay n'ya ngayon lang naranasan ni Faye ang ganito.

Napangiwi pa nga s'ya dahil sa lasa ng alak, matamis kasi ito na mapait ngunit nasiyahan s'ya sa lasa kaya naman napangiti s'ya.

" Sabi ko sa 'yo, magugustuhan mo eh, " tuwang-tuwa na sabi ni Orm habang nakatingin kay Faye.

" Oh Yoko ikaw na, shot mo na, " sabi ni Orm sabay abot ng baso kay Yoko. Ngumiti pa ng nakakaloko si Yoko dahil kay Faye galing ang baso, do'n pa s'ya mismo uminom kung saan dumampi ang labi ni Faye kaya naman lahat sila ay nagtawanan.

Nagku-kuwentuhan sila habang may malakas na videoke sa harapan nila.

" Devine, ikaw na, kanta mo 'yan, " anas ni Orm, pagkatapos ay ibinigay kay Vine ang mic, lalo lang silang nagtawanan dahil napakasintunado nito, kaya naman lahat sila ay napapahalakhak.

Pinagmamasdan silang lahat ni Faye magmula pa kanila. Simula kay Orm na sige ang asar kay Vine, sina Shanne at Kate na halos gawing kanin ang pulutan nila. Sina Julie at Yoko na busy habang naghahanap ng kanta sa song book ng videoke at ang kapatid n'yang si Yuna na masayang-masaya na tumatawa.

Naiinggit si Faye dahil ito ang kinagisnang buhay ni Yuna, simple ngunit masaya. Samantalang s'ya ay naging impiyerno ang buhay n'ya at hanggang ngayon ay pinagdurusahan n'ya pa rin ito.

At this time, there were so many things running through her mind, why is life so unfair? Why among the many children who were kidnapped back then, she happened to be the one of them?

Faye never dreamed of anything in her life other than to find her younger sister Yuna, but why is this? Why does she feel envious and suddenly dreams of staying longer in this place. Why does she seem to want to live with them?

Especially as she stares at the talkative and naughty Yoko, Faye doesn't understand why every time she sees her she feels better, she gets carried away by her chatter. Yes, sometimes she gets annoyed but her eyes seem to have a magnet and her eyes want to find Yoko.

" Teka, sa 'kin 'yan, kanta ko 'yan, " sabi ni Yoko. Kinuha nito ang mic, pagkatapos ay tumayo sa harapan ni Faye.

" Kamahalan, para sa' yo 'to, " sambit ni Yoko na ngiting-ngiti, kaya naman sumigaw ng pangangantyaw ang lahat. Habang si Faye ay pinipigilan ang mga ngiti n'yang gusto nang lumabas.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon