Hired Killer Chapter 42

153 7 2
                                    

##### Chapter 42 Light in the Darkness

When Lydia finished her story about the past, she still had traces of anxiety. Her fingers were shaking while resting on the table. Sila Dark, Midnight, Chocolate, at Bubblegum ay nakatuon sa kanya.

" Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan tayo ng tadhana, " Dark said, while thinking.

" Sadyang mapaglaro ang tadhana, akalain ba natin na magkakakonekta ang lahat? " sambit naman ni Midnight.

" Pero paano n'yo ba nakilala si Yoko? " tanong ni Lydia. Her questions contained doubt, but an undeniable desire to know everything.

Chocolate looked at Lydia, sighing at her before speaking.
" May naiwan akong kapatid noong gabing pinasok ng mga tauhan nina Toshiro at Mishiko ang bahay namin. They only got me, because I hid my younger sister. And after we got out of the Training Camp Island, I looked for her. We saw her at your house in Barangay Milagrosa, she's Yoko's friend and she lives there. "

" Napakabuti ng puso ni Yoko. Ang totoo, may mga inampon siyang mga bata, do'n niya pinatira, pinag-aral, at inaalagaan. Itinuring niyang parang tunay na mga kapatid, " sabi naman ni Bubblegum.

" And... Yoko is my g-girlfriend, " Chocolate stammered. It was as if the weight of her world fell with that confession, as if something forbidden secretly in her heart.

" G-girlfriend mo si Yoko? Tama ba ang narinig ko? Paanong nangyari 'yon? " tanong ni Lydia, hindi makapaniwala, ngunit may bahid ng pag-unawa sa kanyang boses.

" Hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. Pinigilan ko ang sarili ko, pero sadyang si Yoko talaga ang itinitibok ng puso ko, " sagot ni Chocolate, habang ang mga mata niya ay puno ng kompyansa at takot.

Ngunit ang pag-ibig ay may mga pagsubok lalo na kung ang isang tao ay may nakaraan na puno ng takot at sakit.
" Alam kong hindi basehan ang edad o kasarian sa pagmamahal, pero Faye, galit si Yoko sa kriminal. Ayaw niya ng mamamatay tao. Nasabi ko naman na sa inyo na grabe ang trauma na nangyari sa kanya nang makita niya ang Papa niya na pumatay, " sabi ni Lydia, ang kanyang tinig ay tila isang pahiwatig na naglalaman na hindi dapat mangyari muli ang nakaraan.

Ang mga salitang iyon ay nagbigay ng sakit sa puso ni Chocolate, na tila ba mga patalim.
" Mahal na mahal ko si Yoko, alam ko na ang mga pagsubok na ito ay kakayanin namin, " matatag n'yang sambit, ngunit ang kanyang tinig ay magkahalong takot at pag-asa.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid, ang kwento ng nakaraan ay nagbigay liwanag sa kanila ngunit nagdulot din ng mga tanong na walang kasagutan.
" Panghahawakan ko ang mga binitiwang salita ni Yoko sa akin, na handa siyang tanggapin kung ano mang lihim ng nakaraan ko na mamahalin niya pa rin ako kahit sino ako, " nangingilid na ang mga luha sa mata ni Chocolate, ngunit pinipigilan n'ya itong bumagsak. Mas pinili n'yang magpakatatag.

Ngunit sa gitna ng kanilang usapan, ang paninindigan ni Lydia ay sadyang matatag.
" Pakiusap Faye, hiwalayan mo ang anak ko. Ayaw ko nang maulit ang nangyari dati. Pa'no kung malaman n'yang isa kang mamamatay tao? Pa'no kung magka-trauma na naman s'ya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakikiusap ako sa 'yo, kung mahal mo talaga si Yoko ay hihiwalayan mo na s'ya. Sana ay maintindihan mo ako. "

" Tingin mo'y ganon lang kadali 'yang hinihiling mo? Mahal ko si Yoko, sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal, sa kanya lang ako sumaya nang ganito. Ipagkakait mo ba 'yon sa akin? " sambit ni Chocolate, na puno ng magsusumamo. Ang kanyang mga kamao ay nakatikom, puno ng galit at lungkot. Naalaala niya ang mga pighating dinanas mula kay Great Father, nang patayin nito ang kanilang mga magulang at sirain ang mga pamilya nila. Nang dahil sa kanya, pati ang umibig ay nawalan sila ng karapatan, ang kanyang puso ay nag-init sa galit.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon