Hired Killer Chapter 22

135 2 1
                                    

##### Chapter 22 Travis Potter

*****Mami Tess House*****

" Naku Travis, ang pamangkin kong napakagwapo, nandito ka na pala, " tuwang-tuwa bati ni Mami Tess sa pamangkin n'ya.

" Tita, " nakangiting sagot nito, pagkatapos ay nagyakap sila nang mahigpit.

" Salamat at pinaunlakan mo ang paanyaya ko sa 'yo na maging isa sa mga judges para sa Miss Barangay Milagrosa. Akala ko hindi ka papayag eh. "

" Ikaw pa ba Tita eh, malakas ka sa 'kin. Kahit gaano ka hectic ang schedule ko, kapag ikaw ang humiling, talagang hindi kita hihindihan. "

" Kaya sa 'yo ako eh. "

Travis is a famous model and actor, he is handsome and muscular. Nakadagdag pa sa kanyang kagwapuhan ay ang mahabang buhok nito. Bukod dito, pinagkakaguluhan at tinitilian ng mga kababaihan si Travis, ngunit sa kabila ng kasikatan n'ya ay nananatiling malungkot ang puso nito dahil magpasa-hanggang ngayon ay single si Travis.

Wala pa ni isang babae ang nakakapukaw ng atensyon n'ya. Lahat ng hinahanap at gusto n'ya sa babae ay hindi n'ya pa natatagpuan.

Mami Tess wanted Travis to be one of the judges for Miss Barangay Milagrosa, so when Travis agreed, she was very happy.

" Eh, kamusta naman ang puso mo? Mayro'n na bang nakabihag n'yan? Aba pamangkin, ang tagal mo ng single. Napakagwapo mo naman, bakit ba ang pihikan mo kasi. "

" Actually Tita, I think, I've found the woman that was meant for me. "

" Talaga? Sino naman ang maswerteng babae na 'to? "

" Sa tingin ko, ako itong suwerte. Kaya lang, hindi ko alam kung ano ang pangalan n'ya. Nakalimutan ko kasi Tita, nakakainis nga eh. "

" Saan mo naman ba nakilala at nakita itong babae na 'to? "

" Sa Barcode po, kapag nakita ko ulit s'ya, hindi na ako mag-aaksaya ng oras, liligawan ko kaagad s'ya. "

" Totohanin mo 'yang sinasabi mo, hindi 'yong puro salita ka lang at magka-girlfriend ka na. Aba, hindi ka na pabata, dapat nga bumubuo ka na ng pamilya sa edad mong 'yan. Trenta ka na, single ka pa 'rin. "

Tumawa lang si Travis, pagkatapos ay niyakap ulit nang mahigpit ang Tita n'ya.

" Opo Tita. Pangako, kapag nakita ko ulit s'ya, liligawan ko kaagad at papakasalan. "

" Siguraduhin mo lang, dahil gusto ko nang makita ang lahi mo. Panigurado na maganda o gwapong bata ang magiging anak mo kung sakali. Eh 'yong bang sinasabi mong babae na itinadhana para sa 'yo ay maganda ba? Mamaya ay hindi naman, masira pa ang lahi mo. "

" Tita naman, hindi naman basehan ang itsura kapag nagmamahal ka. But, what I'm telling you is that the girl destined for me is very beautiful and very cute, kaya sigurado akong magiging kamukha n'ya ang magiging anak namin, " ngiting-ngiting sambit ni Travis.

" Oh s'ya, sana mahanap mo na talaga kung sino man ang babae na 'yan. S'ya nga pala, one week pa naman bago ang fiesta rito, kaso pinapunta na kita ng maaga para naman ma-enjoy mo ang mga gagawin naming events sa barangay. Kasi 'yong ibang mga pa-contest na gagawin namin ay sisimulan na. "

Nasa gano'n silang pag-uusap nang may marinig silang boses ng babae.

" Mi... Mi... Nasaan ka? Nandito na ang order mong carbonara, ako na po ang naghatid kasi ilang araw nang hindi napasok si Orm, masama daw po kasi pakiramdam, " sabi ng babae.

" Nand'yan na pala si Yoko. Halika, ipapakilala kita sa kanya. Isa s'ya sa mga kandidata sa Miss Barangay Milagrosa. Napakaganda at mabait na bata si Yoko, halika. "

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon