Hired Killer Chapter 39

262 6 2
                                    

##### Chapter 39 Danger


Sa loob ng headquarters ng lokal na pulisya, nagtipon sila Detective Ashe, Eurisa at Khaila. Sa kanilang harapan ay may isang puting board na may mga larawan ng apat na babae.

" Sila Chocolate, Dark, Midnight at si Bubblegum na s'yang tumutulong sa 'tin, nagbibigay ng impormasyon. According to Bubblegum, they were among the children who disappeared fifteen years ago, but she asked not to find out their real names, " paliwanag ni Ashe, ang kanyang tinig ay puno ng kabigatan habang iniiwasan ang tingin ng kanyang mga kasama.

" Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan natin 'yang Bubblegum na 'yan? " tanong ni Eurisa. Ang kanyang boses ay puno ng pagdududa.
" Hindi ba't delikado ang mga taong katulad niya? "

" Ilang beses na niyang niligtas ang buhay ko. Kung hindi siya mapagkakatiwalaan, dapat no'n pa ay pinatay na niya ako, " sagot ni Ashe. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa determinasyon.

Habang puno ng pagdududa sa isip ni Eurisa, si Khaila ay tahimik na nakikinig.
" Sa tingin ko, hindi rin naman nila gusto ang ginagawa nila. There's a powerful person ordering them, " she said, confirming her opinion about the situation.

" You're right, " ani Ashe. Uminom ng tubig upang mapanatili ang kanyang kaisipan.
" Walang iba kung hindi ang tinatawag nilang Great Father. He's the one behind all of this. According to the information I've read that Bubblegum gave, he's the one who approach the clients and orders them to do everything."

Eurisa sighed, seeming to think deeper.
" Sobrang masalimuot pala ng nangyari sa mga buhay nila. But Ashe, when all this is over, and we catch the Great Father, itong apat na tumutulong sa 'tin, makukulong ba sila? Kung iisipin nating mabuti, biktima lang rin sila. Hindi naman nila ginusto ang ganitong buhay. "

" Malaki pa rin ang kasalanan nila," sagot ni Ashe. Ang kanyang boses ay mas nagiging matatag.
" At sa dami ng mga pinatay nila, ang kaparusahan nito ay habang buhay na pagkakakulong. "

Because of what Ashe said, they just sighed. Mysteries and mercies play in their minds at the same time.

" At ito pa ang dapat nating paghandaan, " ani Ashe. Muling sinusumikap na ayusin ang takbo ng kanilang pag-uusap.
" This Great Father will once again look for new children to abduct and bring to the Training Camp Island."

" Kailangan nating magpatrol araw at gabi upang magbantay sa mga bata, " sabi ni Eurisa.

" Tama ka d'yan," sambit ni Ashe, itinutok ang kanyang pansin sa whiteboard na puno ng mga impormasyon. " Sisimulan na natin ngayon ang pagpapatrol. Mag-aassign tayo ng mga pulis sa bawat paaralan upang mabantayan ang mga bata."

**********

Ilang araw ang lumipa, ipinagpapatuloy nila ang kanilang ginagawang pagpapatrol upang siguraduhing ligtas ang mga bata. Bawat paaralan ay may nakatalagang mga pulis upang magbantay, nag-anunsyo rin sila na mas makabubuti na ihatid sundo ng mga magulang ang mga bata upang makasigurado sila.

" Mukhang aktikbo ang mga detectives na pinagkakatiwalaan mo Bubblegum, lahat ng paaralan ay may mga nakabantay na pulis, " sambit ni Midnight, habang tinititigan ang buong paligid. Sila kasi ang naghahatid at sundo sa mga kapatid ni Yoko.

" Malaki ang tiwala ko sa kanila, sigurado akong sa tulong nila matatalo natin si Great Father. "

" Oo nga pala, tumawag na ba o nag-text man lang sa 'yo si Lux? Nag-aalala na kasi ako sa kanya, hindi pa s'ya nagpaparamdam simula no'ng last na engkwentro natin, no'ng mamatay si Mishiko. "

" Hindi pa nga eh, susubukan ko s'yang kontakin mamaya, tapos babalitaan na lang kita. "

" Sige, eh si Dark nga pala? Ano nang balita tungkol kay Lydia? "

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon