Hired Killer Chapter 27

137 4 1
                                    

##### Chapter 27 Feelings Getting Deeper

It's 2am early in the morning but Chocolate, Bubblegum, Dark and Midnight are still awake and they almost just got home. They also treat the wounds received on the body due to Great Father's punishment on them.

" Aray! Dahan-dahan naman, masakit kaya, " reklamo ni Bubblegum habang nilalagyan ni Dark ng gamot ang sugat n'ya.

While Chocolate was just sitting on the soft sofa, her whole body was in pain and she had a big bruise on her back because of the strong blows of the baseball bat. She also had a scratch on her face but she just put cream on it so that it will heal anyway.

" Anong oras na ba? " tanong ni Chocolate sa kanila.

" 2am na, bakit? " sambit ni Dark.

" Gising na kaya si Yuna? Para kasing gusto kong pumunta do'n. "

" Si Yuna ba talaga gusto mong puntahan o si Yoko? " sabi ni Midnight.

Sumimangot lang si Chocolate bilang sagot.

" Ako, sure ako gising pa si Orm, ka-text ko kasi eh, " sabi ni Bubblegum. Nagmamadali s'yang lumapit kay Chocolate.
" Pupunta ka ba kay Yoko? Sabay ako, pupunta ako kay Orm, " dugtong na sambit pa ni Bubblegum habang nakangiti.

" Ayyyy wow, sana all may love life. Pa'no naman kami? Iwan kami rito sa bahay ni Dark? " nakasimangot na sabi ni Midnight.

" Kung gusto n'yo, edi sumama kayo. "

" Huwag na, magtataka na sila kung makita tayong apat na sugatan. Maiwan na lang kami rito sa bahay. Naiintindihan naman namin na 'yang mga puso n'yo eh, umiibig, " pangangantyaw ni Dark.

Tumayo naman si Bubblegum, pagkatapos ay hinila na si Chocolate palabas ng bahay.

**********

Nakarating sila sa Barangay Milagrosa, busy ang lahat ng tao sa pagkakabit ng mga banderitas, rinig nila Ling at Faye ang masasayang tawanan nila.

Papalakad pa lang sila papasok sa pathwalk nila Yuna ay nakita n'ya na kaagad ito, maging sina Orm at ang mga kaibigan nito na masayang tumutulong sa pagkakabit ng banderitas.

" Wow, ang ganda naman. Anong mayro'n? " tanong ni Ling kay Faye, habang naglalakad sila papalapit kila Yuna.

" Ilang araw na lang kasi malapit na ang fiesta, kaya naglalagay na sila ng banderitas, " sagot ni Faye na kaagad rin namang nakasimangot dahil nakita n'ya si Travis na kasama ni Mami Tess, habang tumutulong rin na magkabit ng banderitas.

Kaagad hinanap ng paningin ni Faye si Yoko, pero hindi n'ya ito makita kaya naman nilapitan n'ya si Yuna para magtanong.

" Yuna, nasa'n si Hamster? Bakit, parang wala s'ya rito? " tanong ni Faye.

" May raket si Yoko ngayon Ate, kaya wala s'ya rito ngayon. "

" Saan? "

" Sa coffee shop, maya-maya pauwi na rin 'yon. Tumawag nga s'ya kanina eh, nagpapasundo kay Orm. "

" Bakit hindi n'ya ako tinawagan? "

" Bakit Ate, dapat ba tawagan ka ni Yoko? Ano na bang mayro'n sa inyong dalawa? "

" W-wala naman. "

Nag-uusap sina Yuna at Faye nang bigla na lang lumapit si Travis sa kanila.

" Yuna, pauwi na ba si Yoko? Sabi ko kasi kay Orm, ako na lang ang magsusundo sa kanya, " sabi ni Travis, kaya naman kaagad na biglang nag-iba ang mood ni Faye.

" Ako na ang magsusundo kay Hamster, "
sambit ni Faye.

" Ako na lang, delikado na rin kasi sa daan. Isa pa, pareho kayong babae. "

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon