##### Chapter 13 Hidden Truth
" Yuna, may dala akong mga pagkain pinadala ni Orm, tapos may pares pa dito pinadala naman ni Mami Tess. Kaso hindi naman 'to pwede sa 'yo bawal ka pang kumain nang ganito, kaya ako na lang kakain mamaya hehe. Tapos, sabi ng doktor, pwede ka na ma-discharge ngayon. Hintayin lang natin si Orm, kasi nasa kanya pa 'yong pera para makabayad tayo ng bills dito sa hospital, kulang kasi 'yong pera ko, " ngiting-ngiting sabi ni Yoko, ngunit nawala rin ito dahil napatulala s'ya sa babaeng katabi ni Yuna na nakaupo sa kama.
" T-teka, a-anong ginagawa mo rito? "
Sa labis na gulat at pagkataranta ni Yoko ay nilapitan n'ya ang babaeng katabi ni Yuna. Hinawakan n'ya ito sa kamay at hinila palabas ng kwarto." Pa'no mo nalaman na nandito ako? Hindi ba binigay ko naman ang number ko? Maniningil ka ba do'n sa inutang ko sa 'yo? Wala pa akong pera, wala pa kong nahahanap na raket ngayon. "
" Bakit ba sobrang daldal mo? Hindi ka ba napapagod kakasalita? Hindi talaga ako makapaniwala na 'yong Yoko na sinasabi ng kapatid ko ay ikaw. Sa dami-dami ng pwedeng maging kaibigan ni Yuna, ikaw pa talaga. "
" Teka? Ano ba ang ibig mong sabihin? "
" Ewan ko sa 'yo, d'yan ka na nga, " sabi ni Chocolate, pagkatapos ay pumasok na ulit s'ya sa loob.
" Yoko, bakit mo hinila palabas ang Ate ko, may problema ba? "
" A-ate mo? "
Lalong nanlaki ang mata ni Yoko dahil sa sinabi ni Yuna, muli tuloy s'yang napatingin kay Chocolate mula ulo hanggang paa." Sigurado ka magkapatid kayo, as in s'ya 'yong matagal na nating hinahanap? "
" Oo, s'ya nga ang Ate ko. "
Napakamot na lang sa ulo si Yoko kahit hindi naman makati.
" Ate, s'ya nga pala si Yoko 'yong sinasabi ko sa 'yo kanina. S'ya ang tumulong na mapa-operahan ako sa puso, sa kanya din ako nakatira. "
" H-hi, ako nga pala si Yoko. "
" S'ya naman ang Ate ko, Faye ang pangalan n'ya. "
Bahagyang pilit na ngumiti lang si Faye ( Chocolate ) kay Yoko.
" Pwede ba kaming mag-usap saglit lang ng Ate mo, Yuna? " sambit ni Yoko. Hindi na n'ya hinintay na magsalita si Yuna, hinila n'ya na ulit si Faye ( Chocolate ) palabas.
" Sigurado ka bang ikaw ang kapatid ni Yuna na matagal na naming hinahanap? "
" Oo, ako nga. "
" Pa'no ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo? May birth certificate ka ba na magpapatunay na magkapatid nga talaga kayo? O kaya picture man lang no'ng mga bata pa kayo. "
Inilabas ni Faye ( Chocolate ) ang wallet n'ya, pagkatapos ay iniabot sa kanya ang lumang larawan nila ni Yuna na magkasama no'ng mga bata pa lamang sila at isa pang picture na magkakasama silang buong pamilya.
" Sapat na ba 'yan bilang ebidensya, hindi mo na ba ako pagdududahan? "
" Oo sige na, naniniwala na ako, pero pwede bang huwag mong sasabihin kay Yuna na nangutang ako sa 'yo ng five thousand, babayaran naman kita eh. "
" Dito mo ba sa hospital na 'to ginamit 'yong perang inutang mo sa 'kin? "
" Oo eh, pero teka ano bang itatawag ko sa 'yo, kasi hindi ba mas matanda ka sa 'min? Magkasing-edad lang kami ni Yuna, pag tinawag naman kitang Faye parang wala naman akong galang no'n. Pwede ba kitang tawagin na Ate? "
" No way, bakit kapatid ba kita? "
" Eh anong itatawag ko sa'yo, hoy? Ate ni Yuna? Baby ko? Wifey, my love o gusto mo future ko na lang. "
BINABASA MO ANG
Hired Killer
FanfictionSynopsis Faye's lives happily with her family and her younger sister. Her younger sister has a heart disease and Faye has nothing else to ask for but for her sister to be cured of the illness. One night, a group of syndicate enters their house and...