Hired Killer Chapter 1

834 5 2
                                    

##### Chapter 1 The Pulvera Family

" Faye, Anak, why is your sister crying, did you fight again? " Faye's mother asked her. Nakasalubong kasi n'ya ang nakababatang kapatid nito na paakyat sa hagdan papunta sa kwarto nila na nagpupunas ng luha.

" Kasi po Mommy, Leona stole my barbie doll, eh hindi naman sa kanya 'yon. "

" How many times do I need to explained to you? Hindi ba Faye, ikaw ang nakakatanda sa inyong dalawa kaya dapat ikaw ang magbibigay at palaging magpapakumbaba. "

" But why, Mommy? Because I am the eldest, do I need to be good always? "

" It's because your sister is weak, you should protect her. You are a smart kid and I know you understand what I mean. "

" Yes po, Mommy. I'm sorry po. Leona has a heart disease. She can't do what she wants like other children. She gets tired easily and out of breath quickly. Hindi rin po s'ya pwedeng umiyak ng sobra, magdamdam o sumama ang loob dahil makakasama sa puso n'ya. Even if Leona wants to go to a regular class, she can't do it because her body is weak and her heart always aches, that's why I'm the only one who can go to school, " mahabang sagot ni Faye sa Mommy n'ya. Lumapit ang Mommy ni Faye sa kanya at niyakap s'ya nang mahigpit, pagkatapos ay ginulo ang buhok n'ya.

" Sige na, puntahan mo na ang kapatid mo. "

" Opo, Mommy. " nakangiting sagot ni Faye, pero bago s'ya tuluyang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nilang magkapatid ay kumuha muna s'ya ng chocolate sa refrigerator nila. Gagawin n'ya kasing pang-peace offering sa kapatid n'ya dahil favorite nito ang chocolate at sigurado s'yang hindi nito matatanggihan.

" Faye, huwag mong pakainin masyado ng chocolate ang kapatid mo huh. " Narinig pa ni Faye ang pagsigaw ng Mommy n'ya bago s'ya tuluyang umakyat ng hagdan.

When Faye entered their room, she immediately went straight to their cabinet and opened it. Inside the cabinet, there's a secret door. Their Daddy himself made it, because he's an architect at sa loob ng pinto ay matatagpuan ang playroom nilang magkapatid. Madalas ay dito nagtatago si Leona lalo na kapag nag-aaway silang magkapatid.

Their family life is luxurious and prosperous, their Daddy Zandro Pulvera is a famous architect and their Mommy Zeila Pulvera is a college professor. Ang sabi nga ng mga nakakakilala sa kanila ay modelo sila ng isang perpektong pamilya. But in reality, there's nothing perfect in this world. What wealth they have in life, in exchange of it the hardship they're facing and that's Leona's condition.

Leona is suffering from heart disease, she had to undergo a heart transplant but until now they still have not found a heart donor. Mayaman nga sila pero wala silang magawa kung hindi ang maghintay ng donor para kay Leona. Isa pa, napakabata pa n'ya at hindi nila alam kung kakayanin n'ya ba ang operasyon. Leona is only seven years old, while Faye is fourteen years old.

" Yuna, " tawag ni Faye sa nickname ng kapatid n'ya pagpasok n'ya sa playroom nila. Nakasandal ito sa pader at nakayuko.

" Yuna, I'm sorry. "
Lumapit s'ya rito at niyakap nang mahigpit.

" Patawarin mo na si Ate, please. Pangako, hindi na 'to mauulit, iintindihin na kita at pagpapasensyahan kahit na makulit ka. "

" Ate naman eh! "

" Haha joke, ito naman hindi na mabiro. From now on, you can borrow whatever toy you want from me or if you want I will give it to you. "

" T-talaga Ate, totoo ba 'yang sinasabi mo? You won't get angry if I ask you na sa akin na lang ang barbie doll mo? "

" Oo naman, 'yon lang naman pala eh, sayong-sayo na. Gusto mo lahat ng laruan ko sa 'yo na rin eh. "

" Yehey, wala ng bawian 'yan huh, " masayang sabi ni Yuna.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon