Hired Killer Chapter 46

143 9 1
                                    


##### Chapter 46 Mission To Save Chocolate

Nakatulala lang si Chocolate at tila malalim ang kanyang iniisip nasa may garden s'ya sa likod ng bahay habang nakaupo at nakakalumbaba. Isang tawag ang pumutol sa kanyang pag-iisip, napasimagot kaagad s'ya nang makita kung sino ba ang tumatawag.

" Great Father, " Chocolate thought.

Wala namang nagawa si Chocolate kung hindi ang sagutin ang tawag.

" Chocolate, " sambit ni Great Father mula sa kabilang linya ng telepono, ang boses n'ya ay mabigat at puno ng poot.
" Ang sabi mo, bibigyan mo ako ng lead kung nasaan ang asawa at anak ko, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa? Pinaglalaruan mo ba ako? "

Chocolate closed her eyes tightly, thinking about what she should answer. Behind her voice is the fear caused by what will happen next. She realized, there was no other way.

" Sige, magkita tayo, " sagot ni Chocolate.

" Pumunta ka rito sa headquarters. Dito tayo mag-usap. "

" Pa'no ako makakasiguro sa kaligtasan ko? " Chocolate was doubt in her decisions, but she had no choice.

" Na sa 'yo ang asawa at anak ko, kaya alam mong hindi kita sasaktan. "

" Sige, papunta na ako riyan, " aniya ni Chocolate, na tila nag-aalangan pero wala na s'yang ibang pagpipilian.

When Chocolate arrived at the headquarters it was dark all around, there were eyes watching from the corner. She had no idea that when she arrived there was a danger waiting for her. Gradually, they moved towards her.

Naramdaman ni Chocolate na may mga tao na nagmamanman sa kanya, ngunit ang kanyang isip ay puno ng pag-aalala at takot.

" Great Father! Nasaan ka? "

Ngunit wala s'yang ideya na ang lahat ay bahagi ng isang maduming plano.

Bagama't nag-aalala at may takot sa kanyang puso, si Chocolate ay nagpatuloy sa kanyang paglalakad. The shadows hiding hold a sniper and aim at her and its bullet is a syringe full of dr*gs. In an instant, a shot was heard, and the tip of the needle sank into her neck.

Ang mundo ni Chocolate ay unti-unting nawawala habang ang mga droga ay bumalot sa kanyang isipan. Ang paligid ay nagiging madilim at ang kanyang mga mata ay nagiging mas mahirap buksan. Lumapit sa kanya si Toshiro, kinaladkad s'ya papunta sa isang upuan na kahoy. Sapilitan s'yang pinaupo rito pagkatapos ay iginapos ang mga kamay at paa.

Great Father was not satisfied yet, he ordered them to inject Chocolate the dr*g again and the effect is Chocolate answer all Great Father's questions.

" Hay*p ka.. " sambit ni Chocolate, kahit nahihirapan na s'yang magsalita dahil unti-unti nang ume-epekto ang itinurok sa kanya.

" Gusto kong malaman, kung nasaan ang asawa at anak ko! " sigaw ni Great Father, ang kanyang mukha ay puno ng galit.

Ang tinig ni Great Father ay tila mga bala na bumabaril sa isip at puso ni Chocolate, ngunit wala s'yang magawa kundi ang sumagot dahil nilamon na ang isipan n'ya sa itinurok na dr*ga.

" N-nasa bahay ko sila. Si Aling Lydia at Yoko. "

" Sabihin mo, pa'no mo nakilala ang asawa at anak ko? "

" I-itinakas ko si A-aling Lydia sa mental institution, si Y-yoko naman ay m-matagal ko nang kilala, " sagot ni Chocolate, na tila bangag na bangag na.

" Sino si Yoko? "

" S-siya si Princess, pinalitan ni Aling Lydia ang pangalan n'ya upang itago sa 'yo, at girlfriend ko s'ya, " Chocolate said straight, then laughed loudly as if teasing Great Father. Ito ang naging epekto kay Chocolate ng dr*gs na itinurok sa kanya.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon