Hired Killer Chapter 32

141 6 1
                                    

##### Chapter 32 Deep Pain

Dahil sa nangyari ay nawalan ng gana sa buhay si Yoko, ngunit ayaw n'yang ipakita kay Faye na labis s'yang naapektuhan dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Yoko stood by what Faye said, to forget the night that happened to them. But what Yoko wants is to completely forget Faye, hindi lang ang gabing pinagsaluhan nila kung hindi ang lahat-lahat, pati ang pag-ibig n'ya para kay Faye.

Maging si Faye ay gan'on rin ang nararamdaman, wala s'ya sa tamang katinuan, madalas ay nakatulala lang s'ya at tila ba malalim ang inisiip. Katulad na nga lang sa katatapos nilang mission, labis s'yang nasugatan dahil sa hindi pag-iingat kaya naman sugatan s'ya ngayon. Ngunit ang mga natamong sugat ni Faye ay para bang hindi n'ya nararamdaman, parang manhid na ang buong pagkatao n'ya.

" Ano bang nangyayari sa 'yo, Chocolate? Wala ka sa focus, tingnan mo tuloy 'tong nangyari sa 'yo, " sambit ni Dark, habang nililinis n'ya ang sugat ni Faye, may gasgas rin s'ya sa mukha.

" Pwede mo naman sabihin sa 'min kung ano ang gumugulo sa isipan mo Chocolate, hindi naman kami iba sa 'yo. Pwede mo kami sabihan ng problema mo, " sabi naman ni Bubblegum, habang nakatingin kay Faye.

" Dahil ba kay Yoko? S'ya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? Saka, napansin rin kasi namin ilang araw ka nang hindi pumupunta sa kanila, " Midnight said, as she held the gauze and gave it to Dark to cover Faye's arm wound.

Faye let out a deep sigh before nodding, in response to all their questions.
" Labis na nasaktan si Yoko dahil sa ginawa ko. "

" Bakit, ano bang ginawa mo? " halos sabay-sabay na tanong nila.

Faye looked at them all before telling the full story of what happened to her and Yoko.

" After what happened, you're going to tell Yoko to forget everything? Talagang magagalit 'yon. Bakit mo naman kasi ginawa 'yon? " Midnight said.

" Dahil hindi ako karapat-dapat para sa kanya. "

" Chocolate, ano bang mali sa pagmamahal? Bakit mo pinipigilan ang sarili mo? " Bubblegum asked seriously.

" Bakit ikaw Bubblegum, hindi ka ba natatakot para sa inyong dalawa ni Orm? Pa'no, kapag nalaman n'ya na isa kang masamang tao? Isang kriminal? Isang bayarang mamamatay tao? Tingin mo matatanggap ka n'ya? Gan'on rin ang nangyayari sa 'min ni Yoko ngayon, ayaw kong dumating ang araw na isumpa n'ya ko dahil sa galit. Ayaw kong maiwan, natatakot ako. "

" Sa ginagawa mo ngayon, tingin mo hindi ka nasasaktan? Oo, natatakot rin ako para sa 'min ni Orm, kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat pero handa akong sumugal. Bakit ko iisipin ang dulo kung nag-uumpisa pa lamang kaming dalawa. Gusto kong maging masaya, mahal ko s'ya. Sa bawat mga araw, minuto at oras gusto kong kasama ko s'ya. Gusto kong makasama si Orm, gusto kong maging masaya kami. Sana ganyan rin ang maging kaisipan mo, " mahabang paliwanag ni Bubblegum.

" Chocolate, tama si Bubblegum, huwag mong sayangin ang mga oras sa buhay mo. Tuwing may mission tayo, kalahati ng katawan natin ay palaging nasa hukay, hindi natin alam kung magiging huling mission na ba natin 'yon o hindi pa. Kaya hangga't may buhay pa tayo, huwag mo nang pigilan kung ano ba ang makakapagpasaya sa 'yo, " sabi naman ni Dark.

Because of what they said Faye came to her senses, because they were right. It's true that half of their bodies are already buried in the ground especially every time they have a mission, they also don't know how long they can hide because of the crimes they commit. Faye also knows that the day will come when they will die, so why does she stop herself from being happy and be with someone she loved.

She will stand by what she feels for Yoko, she loves Yoko very much and she doesn't want to lose her so Faye will do everything to get Yoko back to her. She won't give up until she forgives her. Kaya naman pupuntahan n'ya si Yoko para kausapin ito, handa na s'ya para harapin ang pag-ibig n'ya para rito.

Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon