Chapter 1

182 15 3
                                    

TW// Homophobia

•••

"Elthon, Late ka na. bumangon ka na riyan!" 

I was surprised by the voice of my mother who is trying to wake me up. It's our first day and I really need to go to class as early as possible, kasi mayroon daw kaming flag ceremony sa school.

By the way, I'm a grade seven student. I tried taking admission test for STE-P since ayun din ang advice sa akin ng tita kong teacher sa school na papasukan ko. I graduated in elementary as the valedictorian of the batch that is why they really want me to maintain this and take the opportunity to grow.

Sa kabila nito ay namulat na rin ako sa reyalidad mula bata pa lang ako. Natuto rin akong magtago ng sikreto sa mga magulang ko kasi hanggang ngayon, tila hindi pa rin bukas sa kanila ang diskurso ukol sa pagiging bakla.

I'm a gay. Pero hindi ako nagka-come out kasi may sa kung anong problema ang magulang ko sa mga bakla. I heard them getting mad at gays for unknown reason which became the reason why I still want to hide behind the closet rather than exposing my ray of rainbows.

"Huwag mo akong ipahiya sa tita mo, ha! Malaman ko lang na nagbubulakbol ka, ay nako!" Saad ng nanay ko habang kumakain ako ng umagahan. I decided to finish my meal so that I can finally escape from their words. Daig ko pa ang nagmimisa uma-umaga sa mga sermon nilang hindi ko alam kung saan nanggagaling. 

"Alis na po ako," pagpapaalam ko nang marinig si Kuya badong, ang service jeep namin dito sa amin na maghahatid sa akin papuntang school. We are actually seven students na ihinahatid ni Kuya Badong sa school. Ito rin ang trabaho niya kaya araw-araw kaming magkakasabay, pero sa araw-araw kong pagpasok ay wala pa rin akong nakakausap sa mga kasama kong estudyante. Lahat sila ay magkakaibigan na, and it looks like I'm not part of them… well, oo hindi naman nila ako kakilala dahil hindi ko sanay bumuo ng conversation with other people.

When I entered the vehicle, tawanan at asaran agad ang narinig ko mula sa mga kasabay ko. But, someone who's sitting at the front caught my attention. I saw a boy who is wearing the same I.D. lace as mine who was sitting beside Kuya Badong. Agad naman akong nagtungo sa likuran nito para makasakay.

"Magkaklase pala kayo nitong pamangkin ko, Elthon! Mabuti 'yan at para may kakilala ka na agad," biglang pagkikipag-usap ni Kuya Badong sa akin.

"Tito naman! Nakakahiya po" Rinig kong pagmaktol ng batang lalaki sa tabi nito na nagpatawa sa driver,

"Jusko, Ali, ayan kaibiganin mo si Elthon dahil hindi yan nagsasalita talaga! Parehas kayo, tahimik lang. Hahaha!" Pang-aasar nito sa lalaki.

When we reached the campus, agad akong dumeretso sa covered court para hanapin ang adviser namin para pumila. Napakaraming estudyante ngayon dahil unang araw ng pasukan kaya naman nahirapan ako na hanapin ang section namin.

Bukod sa hindi ako katangkaran, ay hindi ko rin kakilala ang mga kaklase ko kaya hindi ako nadaliang maghanap.

I was looking for my section when the niece of Kuya Badong appeared beside me.

"Dito tayo, sunod ka," matipid nitong pagyaya sa akin papunta sa linya ng section namin, 

"okay.. thanks." Sagot ko rito. At agad ko naman itong sinundan. Maya-maya ay nakarating na rin kami sa linya namin at doon nagsimulang maghintay sa pagsisimula ng flag ceremony.

Nang matapos ang flag ceremony ay agad kaming pinasunod ng guro namin sa classroom namin. Our seats was arranged based to our line kaya naman nagkatabi kami ng pamangkin ni Kuya Badong.

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now