It’s hard to part ways especially when you are not used to the idea of not seeing the one you were used to meeting everyday. Every day isn’t complete without seeing Zane in the morning and ending it without him.
Nasanay ako na nandiyan siya palagi.
Kaya naman nahihirapan din ako ngayon sa sitwasyon na ‘to.
“Sasabihin ko na kay mama..” I suddenly spoke while watching my friends. Zane and I decided to spend the night with each other. We want this night to be as long as we want.
“Ha? Ang ano, Keith?” He asked me.
“Tayo. Sasabihin ko na sa kanya, Zane. Wala na akong pake kahit hindi niya tayo matanggap.” Sambit ko rito.
Silence rose up, and the splashes of water with the laughter of my friends were just visible to our ears.
“Baka hindi ka pa handa, baby? Alam mo namang ayos lang sa akin.” He said.
Agad ko naman itong inilingan. I’m gonna take this chance before I leave this province. Hinding hindi na ako magpapatinag sa takot ko.
Hindi na nga dapat talaga ako magpalunod sa masasakit na salitang natanggap at narinig ko na noon. Bagkus ay isasalba ko na ang sarili ko mula sa pagkakalubog sa kailaliman ng kritisismong natamo noon pa.
Nabuhay ako sa ideya na mahina ako kasi hindi ko kayang ilathala sa magulang ko kung sino ako. Duwag ako dahil hindi ko maikwento sa magulang ko na ito ako. Pero hindi naman talaga ito ang basehan ng katapangan natin.
Gaya nga ng nabanggit sa napanood kong BL series—hindi sukatan ng katapangan ang paglaladlad.
May ilan na hindi pa handa, at ayos lang yun. May ilang hindi pa kayang lumabas ng aparador, at walang problema ro’n. May kani-kaniya tayong araw o panahon para rito.
Hindi natapos ang pagkakataon natin sa unang beses na tinablan tayo ng kaba sa paglaladlad na bumikig sa lalamunan natin para sabihin ang lahat. Maraming pagkakataon at hindi tayo nauubusan panahon. Darating din ang araw na maipapakita natin kung sino talaga tayo nang hindi naaapektuhan ang opinyong sumisingaw sa iba na hindi naman na talaga dapat bigyang pansin pa.
Hinihiling ko rin na balang araw, magkaroon ng ilaw ang lahat ng mga patuloy na nagtatago sa dilim at natatakot na ipakita ang makinang nilang kulay.
Trying to move out of the sphere of our comfort zone is the first step towards compiling the courage you need to express yourself in a way of being unbothered. No matter what the outcome may possibly be, it would greatly contribute to ourselves as we try to build our better version.
This time, handa na ako.
Hindi man nila ako matanggap sa kung sino ako, ang mahalaga ay may tumanggap sa akin nang buo, at tanggap ko ang sarili ko.
It will definitely be the end of my isolated life, and the start of its full bloom like a fine flower in a garden.
Agad akong yinakap ni Zane nang marinig nito ang sinabi ko. He was tearing up upon my words.
“Baby, you don’t know how happy I am tonight. I’m so proud of you.” Saad nito,
“Mahal kita, Zane. Sobrang mahal kita hanggang sa puntong ipaglalaban kita kahit kanino pa. I will never be brave like this without your support.” I hugged him back.
It always makes me feel comforted whenever I feel Zane’s company. Kumbaga siya ang nagliliyab na apoy sa gitna ng paraisong malamig. He’s definitely the one who always makes me feel at peace, no matter how harsh the world is.
YOU ARE READING
Rainbow Behind Stars
Teen Fiction[BL STORY] | Ongoing They met when they were in junior high school, where friendships sparked. Their bond was undoubtedly one of the strongest, but not until a reason blew up for Keith Elthon to leave their province, his friends, and Zane. It was go...
