Chapter 24

117 3 0
                                        

Thoughts were consuming me entirely for days now. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Zane ang sinabi ni mama sa akin. Natatakot ako.

Ang dami naming pangako—isa na ro’n ang pagsama sa isa’t isa pagtungtong namin ng kolehiyo. Hindi ko alam, natatakot ako.

I was trying to start yet in the process of making an explanation, it feels like I’m lacking the right words. Hindi ko alam, gusto ko na lang na takasan ang lahat. I just wanna escape all the burdens I’m currently facing and run away with him. But I have no choice but to obey my mother’s choice kasi kung hindi ako susunod, paano ako?

“Ma, for interview na po ako sa college rito. Libre po yung tuition—”

“Mamili ka! Susunod ka, o hahanap ka ng bagong tutustos sa pag-aaral mo?” 

“Ma!”

“Sinasabi ko sa’yo!”

There. I have no choice. Sabi nila, some of the college students are splitting their time by working and studying at the same time.

But upon experiencing it, it wasn’t easy. Hindi madaling magtrabaho at mag-aral nang sabay. I often think of the students who do that, ang sabi nila ay kailangan “lang” ng time management for that, pero hindi nila kinonsidera ang mga ginagawa matapos ang pagpasok sa eskwelahan at pagpasok sa trabaho. See how difficult it is to live a life like that. Juggling studies, work, and life outside the spectrum of work and education will never be easy.

Nakakalungkot ding isipin na tila hindi na karapatan ang edukasyon, bagkus isa na itong pribilehiyo. Hindi lahat ng tao, afford ang edukasyon sa Pilipinas. Nakakaawa rin kapag naiisip ko kung gaano kasira ang edukasyon sa bansa sa puntong patuloy na napag-iiwanan ang mga nasa laylayan imbis na tulungan silang umangat. They were being pulled out from the opportunities they can possibly get due to how fuck up the system in our country.

This is why I really despise those “burgis” people who are trying to gain a slot in state universities despite the privilege to enroll in prestigious schools. Marami akong kakilala na may sasakyan, anak ng mga politicians, anak ng C.E.O o ‘di kaya mga galing sa pamilyang kilala bilang parte ng mataas na social class pero nagkukumahog makakuha ng slot sa state universities para makapag-aral nang libre. Nakakagalit isipin na imbis bigyang pagkakataon ang mga estudyanteng nangangailangan nito ay mas inaapakan pa nila ang oportunidad na posibleng makamtan nila. 

Ang state university, sa kanila ay option lang, dahil kahit na hindi sila makapasa rito ay may kakayahan silang mamili ng ibang paaralan.

Pero sa mga nasa laylayan? Ito lang ang tanging pag-asa. Wala nang iba. Ito lang ang paraan para mabuksan ang daan sa pangarap nila. Kaya huwag naman sana nating pilit bakuran ang oportunidad na magkaroon sila ng pagkakataong masilayan ang pangarap na minimithi nila.

I get it, all of us are deserving of that, it’s our right after all. But we should also try to consider the fact that we shouldn’t abuse the rights that were granted to us. Kung kaya mo naman ang prestihiyosong paraalan, edi doon ka na lumugar! Hindi masama ang mag-give way!

Sana sa panahon ngayon, mas manaig ang pagkamulat ng marami at bigyang boses ang mga napagmamalabisan para mas maisakatuparan natin ang pagkakapantay-pantay na pagtanggap sa karapatang inilatag, na hindi lamang para sa mga may koneksyon, kundi para sa lahat.

I was zoning out habang nakaupo, kakatapos lang ng orientation for graduation ceremony namin sa isang araw at patuloy akong binabagabag ng isipin ko.

“Keith? Naintindihan mo ba ako?” I went back to my proper state when I heard Zane. 

“H-ha? Ano u-ulit?” I asked him again,

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now