PROLOGUE

818 26 4
                                        

Disclaimer:

This is purely a fictional piece. The universities, places, and names that will be mentioned in this story are full of the author's imagination and are not affiliated with any of them. If there are any instances when names and locations resemble real-world ones, it is purely coincidental and wasn't meant to be that way.

Happy reading!

•••

"I've already distributed the readings for next week's discussion. Please read them, we will be having a long quiz next week before we start our discussion."

"Putcha, long quiz na naman! Tuloy ba tayo mamaya?" Tanong ni Riza patungkol sa planong pags-sleepover nila mamaya sa bahay nila Rio. Hindi naman ako sigurado pa kung makakasama ba ako dahil may biglaang duty ako mamaya sa trabaho ko. I've been working since I was a first-year student. Dahil sa hindi na ako masusuportahan ng pamilya ko.

"Bounce na 'ko, mga te. May duty pa ako mamaya eh," pagpapaalam ko sa mga ito dahil magpapahinga muna ako sa dorm bago dumeretso sa trabaho ko. 

"Akala ko ba day off mo? Bakit papasok ka?" Pagtatanong ni Rio sa akin. 

"Daming bayarin, te. Kailangan kong kumayod."

It is true, today was supposed to be my day off, and my initial plan was to join them later but since I really need to work my ass off due to pendings I have ay mas pinili kong magduty na lang kaysa magpahinga. 

"Ton, pauutangin na lang kita. Sumama ka na, dali! Minsan lang eh." Pamimilit ni Riza sa akin, but I already made my decision. Susunod na lang ako after ng duty ko.

"Susunod na lang ako, promise. After duty, didiretso ako ro'n." Sagot ko rito and they finally agreed with my plan.

"Sige, sumunod ka, ha! Magluluto ako ng paborito mo." Saad ni Rio bago sila tuluyang umalis sa room.

After class, nagpasya akong umuwi na muna at magpahinga dahil drained ako buong week dulot ng workloads na ibinagsak sa amin. Patapos na rin kasi amg semester kaya marami-rami na rin ang pinagagawa sa amin. 

for lifers. <3

Rio Divina:
Hoy, @Thon Villega, mamaya ha? Maghihintay kami ni Riza sa bahay

Riza Alliyah:
TRUE THE RAIN. Tamo, te. Magpahinga ka naman.

Elthon Villega:

Oo na, mga ate! Susunod ako. Dadala ako ng snacks lateeeer! See you :)

Rio Divina:
Boba! Huwag na, i-save mo na 'yan. Magluluto kami ni mother at miss ka na rin no'n. PUMUNTA KA LANG, BABY, OKAY NA KAMI. 👌👌

Elthon Villega:
Osya oo na, pasabi kay tita miss ko na rin siyaaaa! See you mga mashikip kong babies

Mula nung araw na nadala ako sa Manila, I really faced a lot of difficulties while living here. As a probinsyano boy, I was shocked at how it feels to live in a city. I wasn't used to hear loud noises came from vehicles, noon kapag alas sais na ng gabi, ay tahimik na ang kalsada maliban sa tambayan naming magtotropa.

Magtotropa.

Mga naiwan kong kaibigan sa Sorsogon.

Kumusta na kaya sila? Siya? Umalis ako ng Sorsogon nang walang iniwang salita, I even don't know if they still know me, or baka kinalimutan na rin nila siguro ako gaya ng pagkalimot kong mag-iwan ng mensahe sa kanila bago umalis.

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now