“Kumusta pakiramdam mo?”
Bungad na tanong sa akin ni Zane nang magising ako sa kwarto ng ospital. Unti-unti kong naalala lahat ng nangyari bago ako mapunta sa kinalalagyan ko ngayon.
“Nahihilo pa.” I replied coldly.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin? I heard you’re already working for weeks now. Kung hindi pa kita nakita, hindi ko pa malalaman—”
“Wala ako sa mood makipagtalo ngayon, Zane.” I cutted him. Agad naman akong tumayo at nagbalak nang umalis sa higaan ng agad akong pigilan nito.
“Magpahinga ka. Kailangan mo ‘yan. I’ll be outside, call me if you need something. Mag-usap tayo kapag maayos na lagay mo.” Saad nito at agad na tumayo at lumabas ng kwarto. I felt a guilt after realizing what did I do to him.
Pero wala akong choice. I don’t have a choice to do this knowing that he’ll definitely find a way to help me. Ayoko ng gano’n. Ayokong ibuhos niya sa akin ang lahat ng atensyon niya kasi after all, he should prioritize himself first.
“Nak!” Saad ni tita nang makapasok ito sa kwarto. Kasama nito si Ate Zab na mukhang nag-aalala rin.
“Nasabihan kami ni Zane. Nautusan ulit ng tiyahin niya kanina na bumili ng kape pero nakita ka raw na nagcollapse. Kumusta na lagay mo?” Tanong ni tita nang makalapit sa akin.
“Maayos-ayos na rin naman po, tita. Salamat po for checking.” I said,
“Kumain ka! Nagpabili ako ng pagkain. Sabi rin ng amo mo, kailangan mong magpahinga. Bakit ka pala nagtrabaho?”
“Ah, kailangan po, eh. Dami ko pong bayarin as of now.” Sagot ko rito.
“You can ask us for help, nak.” She said,
“Hindi po, tita. Kaya naman po. At tsaka, kailangan ko rin po ‘to para magkaroon ng work experiences.” Pagpapalusot ko.
“But still.. don’t hesitate to ask us whenever you need help, ha? Pamilya ka na rin namin. Mahal ka ni Ali kaya anak na rin ang turing ko sa’yo.” Sambit nito.
Agad namang lumabas si tita nang makatanggap ito ng tawag. Naiwan kami ni Ate Zab sa loob ng kwarto at katahimikan ang nanaig sa amin.
“Thon, ilang araw nang nagkekwento si Ali sa akin. Sabi niya madalang na raw kayong mag-usap.” Saad nito.
“Sorry, ate. Sobrang hectic kasi ng schedule. Uuwi ako saglit tapos balik sa trabaho. Hindi ako nakakapagphone.” Sagot ko rito.
“Nakakapagod ‘yan, Thon. Kaya pa ba?” Tanong niya.
“Ate.. wala po akong choice, eh. Hindi rin ako masuportahan ni mama kasi until now, hindi pa rin maayos sa bahay. Gusto ko rin sana suportahan sarili ko para makagaan sa kaniya.” Sambit ko.
“Thon, proud ako sa’yo. I know how hard it is to juggle that pero nakakayanan mo. Huwag mong hayaan ang sarili mo na maubos ha?”
“Sakali mang maramdaman mong pagod ka na, tumakbo ka sa amin. Yayakapin kita. Yayakapin ka namin. Kapatid na rin ang turing ko sa’yo. And I really want to take care of you the same way I took care of Ali.”
My tears ran out of my eyes after hearing what Ate Zab said. Ang saya makaramdam ng ganitong pagmamahal. I never thought, I will be having another family who will show me the love I never had from my own family. Sa kanila ko naramdaman yung pagmamahal na hinahanap ko mula pa noong bata ako.
It feels lucky to be with the people who include you in their life.
“Salamat, ate. Salamat sa pagmamahal, ha? Susundin ko ‘yan, ate.” I said.
YOU ARE READING
Rainbow Behind Stars
Genç Kurgu[BL STORY] | Ongoing They met when they were in junior high school, where friendships sparked. Their bond was undoubtedly one of the strongest, but not until a reason blew up for Keith Elthon to leave their province, his friends, and Zane. It was go...
