Chapter 18

113 4 1
                                        


Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko - Cup of Joe

•••

"Stop, don't make fun of me, Zane. Please." Saad ko rito. Hanggang ngayon dahil sa mga nangyari, tila hindi na ako makaalpas sa pagdududa ko sa lahat ng tao.

"Why would I make fun of you?" Zane asked me.

"Wala lang, kasi baka naman na-pressure ka la-"

Naputol ang pagsasalita ko nang agad ako nitong niyakap.

"Keith, liligawan kita. Sure ako sa'yo."

"Zane.. Natatakot ako." Saad ko rito. Hanggang ngayon, nangangamba pa rin ako sa sitwasyong 'to.

"You don't have to carry that alone. Sasamahan kita hanggang sa handa ka nang magladlad. Sabay tayong maglaladlad, Keith." Zane comforted me.

Napagpasyahan naming huwag nang tapusin ang event at pumunta na lang sa lugar kung saan ako gusto dahil ni Zane. After a few minutes, we finally reached the view deck. Tanaw rito ang buong probinsya.

"Ang ganda..." I was fascinated by the view. Agad naman kaming umupo sa damuhan kung saan tanaw namin ang mga tala sa kaitaas-taasan.

"Keith, I have to tell you something." Saad ni Zane na agad namang umagaw sa atensyon ko. Nang tumingin ako rito at agad nitong kinuha ang phone niya at inabot sa akin

There, I saw a lot of emails from different entertainments and companies.

"I followed what you said. Gumawa na ako ng public account tapos in-upload ko lahat ng covers ko ro'n. It got thousands of likes and shares tapos I was shocked na marami nang nag-eemail sa akin." Agad ko maman itong niyakap.

"Gusto mo ba 'yan?" I asked him.

"Kasi kung oo, alam mo kung gaano kalakas ang suporta namin sa'yo. Hindi ka nila co-contact-in kung hindi ka nila nakitaan ng potensyal, Zane." Saad ko rito.

"Have you told this to tita already?" Tanong ko rito na agad naman nitong inilingan.

"No... I want you to know about this first. Maybe soon, samahan mo ako?" Tanong nito at agad ko namang sinang-ayunan.

"Anyway, about earlier... Sure ako ro'n, Keith. Liligawan kita." Sambit nito.

"Bakit ako, Zane?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Hindi ko alam, Zane, natatakot lang ako." Saad ko rito.

Zane suddenly took off his jacket and placed it on my shoulder. Sakto rin naman na nilalamig na ako.

"I'll be with you, Keith. Sasamahan kitang lampasan 'yan. That will be a process, but trust me, in every progress you'll make, I'm surely there for you to cheer you on." Sambit nito.

"Dadamayan kita, huwag kang mag-alala." Dagdag nito.

I was watching the night sky when I suddenly saw a meteor passed.

"Hala, may shooting star! Wish tayo dali!" Agad naman akong pumikit

Sana masaya kami... habang buhay. Hiling ko sa bulalakaw na dumaan.

I looked at Zane who was also wishing while his eyes were closed. Unti-unti nitong iminulat ang mata at tumingin sa akin habang nakangiti.

"Anong winish mo?" Tanong ko rito.

"Ano wish mo?" Tanong din nito.

"Secret! Edi hindi natupad 'yon." Sambit ko rito.

Agad naman itong tumawa at ipinaikot ang braso sa katawan ko para yumakap.

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now