Short update! Namiss ko kayo. Hopefully magtuloy-tuloy na. Sana may nagbabasa pa nito. Hahaha. Parang ang laki na ng pinagbago ng wattpad. Na-culture shock akis!
Thank you sa inyong support guys! Labyou all.
~~~
"Labs... Labssss... Gising ka na Labs. First day mo ngayon sa school. Hehehe." Mahinang sabi niya habang marahang niyuyugyog ang balikat ko. Marahan kong pinahid ang minumuta ko pang mata saka dumilat. Sakit ng ulo ang una kong naramdaman. Jusko, bukod sa marami akong nainom, wala pa atang tatlong oras ang tulog ko.
"Good morning Labs." Nakangiti niyang sabi habang binubutones ang suot niyang polo. "Bangon na. Asikaso na." Dugtong niya pa.
"Bakit nandito tayo?" Tanong ko nang mapansing dito niya ako iniuwi sa condo niya. Nakatulog na kasi ako sa byahe kaninang madaling araw at sobrang lutang na ako dahil sa pagod at kalasingan kaya siguro di na nagrecord ang utak ko. "Wala akong gamit dito Labs, pano yan? Anong susuotin ko?"
"Akala mo lang wala, pero meron! Meron!" Natatawang sabi niya saka ngumisi. Alam ko na yung ganyang tabas ng mukha niya eh, may ginawa na naman yang kalokohan. Rinig ko pa ang mahina niyang pagtawa habang nakayuko at nagsusuot ng sapatos.
Ewan ko ba. Nagulat na lang ako nang buksan ko ang isa sa tatlong cabinet at nakita ang sandamakmak kong mga damit. Ang ilan sa mga iyon ay tatlong Linggo ko na atang hinahanap sa bahay. Akala ko ay nagkandawalaan na. Doon ko lang napagtanto na malamang ay inunti-unti ng unggoy na to ang paghakot sa mga gamit ko para di halata. Ang kaso nga lang ay karamihan sa mga nakuha niya ay mga pambahay. Galing ano? Napakagaling.
Pero deep inside, kinikilig ako na isipin na sobrang effort siya sa mga ganitong bagay. Nakakakilig para sa isang bading na kagaya ko. Hindi ko alam pero sobrang masaya ako dahil binigyan ako ni Lord ng isang John Paul. Sana ay wala nang katapusan ito. Sana.
Sa biyahe ay sinabi niya ang mga plano niya. Madami siyang sinabi kaso hindi naman naabsorb ng utak ko. Sobrang lutang talaga ako. Basta ang bottomline ay sa kanya na ako titira. Yun lang ang tumatak sa isip ko bago pa ako makatulog ulit sa byahe.
~~~
"Tingnan mo, kung hindi kita hinatid, anong oras ka na makakapasok. Late enrollee ka na nga, late ka pa sa first day mo." Medyo inis na sabi ni John Paul matapos isara ang pinto ng kotse.
"Labs naman, kaaga aga." mahina kong sabi habang pupungas pungas ng mata saka inayos ang manggas ng suot kong damit. Sinilip ang cellphone sabang naghihikab, "June 11, 2018, 8:16 AM." ang bumungad sa lock screen. Shuta late na nga ako, alas otso ang klase ko. Bahagyang binilisan ang lakad para makasabay sa malalaking hakbang ng unggoy na to.
"Ayun na ang room ko oh, wag mo na ako ihatid, ano grade one lang? Haha." sabi ko sabay turo sa room kung saan nakapaskil ang room number ng unang subject ko. "Keri ko na to. Sige na late ka na sa work mo." sabi ko pa.
Wala namang silbi ang pakiusap ko sa kanya dahil talagang hinatid niya pa ako sa room namin. Ayaw papigil.
"Late enrollee?" Rinig kong tanong ng Professor nang mapansin ako sa labas ng room. "Yes po." nahihiyang sagot ko. Naaamoy ko pa ang amoy ng alak sa hininga ko. Jusko, dami ko nainom kagabi at talaga namang kulang na kulang ako sa tulog. Pakiramdam ko nga ay masusuka ako ano mang oras.
"Come in." Sabi ni Maam.
"Wowww chicks!" Bulalas nung isa sa unahan pagkapasok ko pa lang. Jusko! Wish ko lang hindi siya narinig ni John Paul na nararamdaman ko pa rin ang presensya sa labas.
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."