#SMASPii 93

5.6K 283 16
                                    

93

•Justine•

"Tikman mo nga to Tine." Sabi ni Tita saka iniabot sa akin ang kutsara. "Tikman mo kung sinigang na. Hahaha."

"Sinigang na po yan. Hahaha. Ang sarap nga po eh. Kaso..." Sabi ko matapos tikman, kainis, tuloy tuloy yung bunganga ko.

"Kaso ano?" Tanong sa akin. Wala na, narinig pala kaya kelangan ko talagang sumagot.

"Hmmm. Gusto po kasi ni John Paul, maasim na maasim na maasim na maasim. Hahaha." Sagot ko. Gosh, buti na lang tama ata yung sagot ko kasi natawa si Paulina. Tsarot. Si Tita pala.

"Ohhh I see. Pano kaya yannn." Sagot ni Tita na mababakas sa mukha ang pag-iisip.

"I-separate ko na lang po yung sa kanya, tapos dagdagan ko na lang ng paasim." Sagot ko.

"Oh, good idea. Sige." Sabi niya saka iniabot sa akin ang mas maliit na kaserola. Ang susyal ng kaserola nila, parang di bagay na tawaging kaserola. Hahahaha. Naalala ko tuloy yung kawali sa bahay na nangitim na dahil sinunog ng unggoy na yun yung hotdog kahapon! Haysss.

"Nyiiii!" Nangingiwi talaga ang mukha ko matapos tikman yung sinigang na para kay John Paul. "Goshhhh. Asimmmm." Talagang tumitirik yung mata ko sa sobrang asim. Nanginginig pa yung mga balikat ko. Naibuhos ko ba naman yung paasim. Sobrang asim talaga. Isipin niyo yung itsura niyo pag kumain kayo ng kamias. Ganon!!! Mukhasim. Hahahaha.

"I guess okay na to. Thank you Tine." Sabi ni Tita saka isinalin na sa malaking lagayan yung ulam. "Sige na, puntahan mo na si Janjan doon." Sabi pa niya.

"Sige po." Sagot ko saka naglakad na palabas sa kusina.

Nakita kong nag-uusap pa rin sila ng Daddy niya, mukha naman silang masaya, nagtatawanan pa nga. Ayoko namang istorbohin dahil minsan na lang naman silang magkita at magkausap.

"Ahhhh. Ahmmmm. Ate!" Pagtawag pansin ko sa kasambahay nila. "Si Kenjie po nasaan?" Tanong ko.

"Sino pong Kenjie? Wala pong Kenjie dito." Seryosong sagot ni ate.

"Ayyyy, si Jeremy pala. Hehehe." Napakamot talaga ako sa ulo.

"Ahhhh. Kala ko naman kung sino. Andun po sa likod. Puntahan niyo na lang po." Sabi nito saka itinuro sa akin ang daan, nilakad ko na. Pagkarating ko sa likod ng bahay eh halos lumuwa na ang mata ko talaga. May swimming pool pala dito. Kaloka. Yayamanin talaga. Nakita ko si Kenjie na nasa may gilid at nag-iihaw.

"Kenjie! Anjan ka pala." Pagtawag pansin ko sa kanya na abala doon, may hawak pang portable fan na itinututok sa baga. "Ano bang nickname mo? Kenjie ako ng Kenjie dito! HAHAHAHA. Sabi nung napagtanungan ko, wala daw Kenjie dito. Hahahaha."

"Jekjek." Nakangiting sagot niya lang.

"Kala ko Kenken. Hahaha."

"Baduy naman nun! HAHAHA." Natatawang sagot niya.

"Ano ba yang niluluto mo jan?"

"Ano pa nga ba, my favorite. Hahaha." Sabi niya saka kumurot dun sa mga naluto na. "Tikman mo." Sabi pa niya saka itinapat sa bibig ko yung liempo. Kukunin ko sana sa kamay niya kaso tumanggi siya kaya ayun..

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon