#SMASPii 117

4.1K 245 44
                                    

Sorry po short update lang po ito, wag po masyadong mag expect. Ingat po tayo during ECQ. Enjoy reading po.

Ako po yung nasa media. Hahaha. Pasubcribe naman po sa Youtube mga sis. Hihi. Thank you!

*****

~Justine~

"Kelan ka papasok sa work Tine?" Tanong ni John Paul habang nakain kami. Napatingin ako sa Kalendaryong nakapatong sa side table. December 27 na. Andito pa rin ako sa bahay nila.

"Di ko alam, siguro sa January na. Magpapasa na lang ako ng medcert." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain. "Tumawag si Mama kagabi pinapauwi ako ng Bicol, dun kami magbabagong taon."

"Awwww. Akala ko dito ka samin mag new year." Malungkot niyang sabi.

"Hmmmm. Dito na nga ako nagpasko eh. Magagalit na si Mama. Sana maintindihan mo." Mahinang sabi ko. Nakakaguilty kasi, malungkot talaga mukha niya. "Mamaya babalik na akong Laguna. Sama ka ba? Kukuha ako mga damit eh. Tapos uwi na akong Bicol."

"Oo naman, hatid kita." Ayun na huli niyang sinabi hanggang matapos kaming kumain. Ayun na yun talaga? Nalungkot talaga siya? Okray.

Hapon na nang makarating kami sa bahay. Agad na akong nag impake dahil mahirap na kapag naabutan ako ng rush hour. Mahirap pa naman sumakay ngayon lalo na at chance passenger lang ako.

"Bakit ba kanina ka pa nakasimangot?" Tanong ko kay John Paul na tahimik lang na nanonood sa pag iimpake ko.

"Wala lang, akala ko kasi magkasama tayo sa bagong taon. Alam mo naman diba. Monthsarry natin yun eh." Malungkot niyang sabi. Oo nga pala. Pangalawang buwan na namin sa Bagong Taon.

"Hmmm ganito na lang. January 1 ng bago magtanghali balik na ulit ako dito para magkasama tayo nun. Okay ba yun?"

"Walang masasakyan nun." Nakangusong sagot niya.

"Meron yan! Think positive. Hahaha." Sabi ko saka hinalikan sa pisngi. "Oh may mga damit ka pa pala dito oh. Dalhin mo na to."

"Pinapalayas mo na ba ako dito?" Tanong niya. Parang sira eh. Pabebe masyado naiinis na ako. Tumayo siya at lumabas. Nagtampo na ata talaga. "Tatawagan ko lang si Mama." Sabi niya saka lumabas na ng tuluyan.

***

"Anong lugar na to?" Tanong ko ng maalimpungatan. Hindi ako pamilyar kung nasaan na kami. Nakatulog ako sa byahe okray.

"Basta matulog ka lang jan. Ihahatid naman kita don't worry. Gisingin na lang kita." Sabi niya kaya bilang antukin, natulog naman ako ulit.

At hanggang sa muling nagising ako, "parang kanina pa tayo nasa expressway?" takang tanong ko.

"Ano bang gusto mo? Bicol agad?" Tanong niya.

"Anong Bicol agad? Kanina pa tayo nasa byahe ah."

"Oh bakit, ilang oras ba byahe pa Bicol?" Masungit na tanong niya ulit.

"8-10 hours ata?" Patanong na sagot ko.

"Oh yun naman pala eh."

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon