#SMASPii 124

2.4K 220 23
                                    

Don't expect. Filler lang tong chapter na to. Labyu all. Sorry kung super tagal ng update. I've been through a lot. I hope you understamd. Love you all. Vote kayo please.

***

~Gino~

"Sige na ako na magliligpit niyan." agad na tumayo si Justine bitbit ang ilang mga hugasan at dumiretso sa lababo. Naiwan kaming mga lalake sa hapag. Katatapos lang namin kumain.

"Uwi na ako Pre. Salamat sa lunch." Paalam ko.

"Ikaw? Anong balak mo? Anong oras ka uuwi?" Tanong ni John Paul sa kapatid niyang inaantok pa ata dahil tamlay na tamlay pa.

"Uuwi na rin ako pagkahatid ko kay Gino." Matamlay niyang sagot.

"Di mo na ako kelangang ihatid. May tricycle naman jan palabas."

"Bakit magko-commute ka pa? Eh palabas din naman ako. It's not making sense. Tss."

"Baka hilo ka pa eh. Itulog mo yan."

"Tss."

Di ko na pinansin at nag-ayos na ako ng sarili, siya naman ay ganon din saka lumabas na ng bahay dala ang susi ng kotse niya. Kelangan ko nang makauwi, lampas alas dos na ng hapon.

"Mukhang uulan pa ata. Tara na!" Sabi ko pagkalabas ko ng gate. Nagpaalam na kami kila John Paul at Tintin saka naglakad papunta sa kung saan niya pinarada ang sasakyan niya. Gulat ako nang sa passenger seat siya sumakay.

"Ano yun? Ako ang ihahatid pero ako ang magda-drive?" Takang tanong ko habang nakasilip mula sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Eh di kung gusto mo ako ang ihatid mo sa bahay para valid yang reason mo na ikaw ang magdadrive."

"Letse." Sabi ko saka hinablot na ang susi na inaabot niya. Ayokong makipagtalo sa kanya. Ayoko ng makulit ngayon.

Hindi pa man kami nakakalayo ay tulog na siya. Tsk tsk. Iba ata ang tama sa kanya ng ininom niyang alak. Oh sadyang napadami lang ang inom niya? Kung alin man doon. Hindi ko alam.

* I got way too much time to be this hurt

Somebody help, it's getting worse

What do you do with a broken heart? *

Pagsabay ko sa pagkanta habang marahang nagmamaneho, inenjoy na ang traffic. Ang ganda ng mood. Saka walang maingay. Tulog. Walang makulit. Nakakarelax.

"Ang lamig." mahinang sabi niya saka umayos ng pagkakaupo. "Grabe." Hininaan ang aircon at muling niyakap ang sarili. Di ko na lang pinansin. Baka mangulit pa eh. Saka lubusin niya na ang tulog niya dahil mamaya ay malayo ang imamaneho niya pauwi.

Bwisit nga lang ang ulan dahil ang halos trenta minuto na byahe lang sana ay inabot ng halos dalawang oras.

Pero oks lang kasi naenjoy ko naman ang ulan. At ang katahimikan. Ipinarada ko sa isang tabi at pinatay ang makina.

"Huyyyy. Andito na tayo samin. Uuwi na ako." Pag gising ko sa kanya na agad din namang dumilat.

"Uhmmmm sige. Ingat." Mahina niyang sagot saka pumikit ulit.

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon