Vote please. Thank you. 😊
Sorry guys, medyo busy ako sa paghahanap ng trabaho. 😊***
"Ano okay na? Siguro naman naniniwala ka na?"
"Hahahaha. Sarap eh." Nangingiting sabi niya.
"Manyak! Malibog!"
"Saka pogi. Kumpletuhin mo naman. Hahaha." Natatawang sabi niya saka binuksan na ang kotse. "Ikaw bading. Pangit na bading!"
"Kapal!!!" Yung mata ko talaga umiikot sa inis. Nawawala na yung itim. "Ako pa talaga ang panget ah!!" Pairap-irap kong sabi.
"Malamang! May iba pa ba? Eh dalawa lang naman tayo dito ah." Sabi niya na bahagya pang itinaas ang mga kamay habang tinuturo ang kaluwagan ng parking. Bwisit.
"Ayan ka na naman ahhh! Kaya dapat sayo ginugutom ka talaga eh! Ang lakas mo mambwisit pag busog ka!!" Inis na sabi ko. Nginitian lang ako. Ngiting aso eh. Kulang na lang makita ko pati bagang niya. Ano kaya kung bungiin ko siya ngayon din.
"BAT ANG SAMA MO TUMINGIN!! HUHHH!" Tanong niya bago pa sumakay sa driver's seat.
"BINUBUGBOG KASI KITA SA ISIP KO!" Sagot ko. Lalo lang siyang natawa ng malakas. Hayyy. Ayaw ko na nga, sige na, talo na ako.
Pagkasakay ay inilapat ko na ang likod ko sa sandalan. Nagtakip talaga ako ng mukha at nagsuot ng headset.
"Awww. Ahhhhh. Awwww!!!" Daing ko habang nakatakip pa rin ang panyo sa mukha ko. Di ako makapalag kasi dinaganan niya yung kamay ko. Punyetang yan. "Inaano ka ba jan! Bat ka ba nangungurot ng lips jan!"
"Di ko kaya kinurot. Kinagat ko kaya. HAHAHAHAHAHA. Bobo."
"Gago! Manyak! Manyak! Malibog! Manyak!"
"Kahit ipagsigawan mo pa yan Tine, walang maniniwalang manyak ako at malibog. Hahahaha."
"Idemanda kita ng rape. Bastos ka."
"Hahaha. Sa pagkakaalam ko, babae lang ang pwedeng magfile ng rape case. Kaya manahimik ka na lang Tine. Hahaha."
"Ewan ko sayo." Sabi ko saka binuksan ang pinto ng kotse. "San ka pupunta!!!!!!!!" Pasigaw niyang tanong.
"MAKASIGAW KA JAN AH!!! OA MO!"
"San ka ba pupunta aalis na tayo."
"Dito ako sa backseat! Puro ka kamanyakan!!!" Sagot ko saka isinara na ang pinto sa passenger seat at binuksan ang nasa likod. Ano, magwo-walk out ako? Ayaw ko nga maglakad pauwi. Ang init no. Be practical. Mamaya na lang ako gaganti kapag nasa bahay na. Hahaha.
***
"Nagpaalam ka ba kahapon na sa amin ka matutulog?" Tanong niya habang nasa byahe.
"Oo naman." Sagot ko.
"Baka kasi pagalitan tayo ng Mama mo."
"Hindi yun."
"Sabagay, virgin ka pa namang uuwi. Hahaha." Sabi niya saka inihinto na sa harap ng bahay namin. Bastos talaga ang depungal. Kairita. Lagi na lang nasisingit ang kabastusan sa usapan.
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."