Vote muna!!! Salamat po. HAHAHA.
Ayan, sarap.magbasa pag maulan. Hahaha. Enjoy reading. 😊***
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Otep na abala sa pagpapagpag ng pantalon niya. "Sorry sa ginawa ni John Paul ha."
"Yaan mo na. Okay lang yun, nagseselos lang talaga siya." Sagot niya. "Ikaw okay ka lang ba? Much better kung kausapin mo siya at sabihin mo ang totoo."
"Kaya nga ehhh. Kaso wala eh, tumakbo na eh. Tinatawagan ko, sinagot nga pero ayaw naman akong kausapin."
"Hayyyy. Kasalanan ko to eh. Dapat di na lang kita niyaya dito. Sorry ha."
"Di mo yun kasalanan, may mali rin ako, di ko sinabi ang totoo na kasama kita. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Tara na. Uwi na tayo."
Haysssss. Nakakainis, naiinis ako.
Oo nga, wala nga kaming ginagawa ni Otep, pero di ko rin naman masisisi si John Paul na magselos, pero sana pinakinggan niya rin ako. Hayyysss.
Nakakainis. Di ko alam kung sino saming dalawa ang mali. Siguro ako, kasi ako nag umpisa ng lahat. Hayyyyyy. Jusko!!! Nakakaloka pala ang magkaboyfriend!! Masaya pero nakakaloka. Pero masaya! Haysss.
"Ma! Nagpunta ba dito si John Paul?" Tanong ko agad pagkapasok ko pa lang ng bahay. Wala kasi don sa pinaparadahan niya yung kotse niya. "Hindi. Pero tumawag yun kanina mga 5PM kung nandito ka na daw ba."
Ahhh so tumawag pala siya. Kaya nalaman niyang nasa SM pa rin ako. "Bakit?" Tanong ni Mama.
"Ahhh wala lang." Sagot ko saka inilagay ang pinamili sa kwarto at lumabas na ulit. "Pupunta lang ako kila April Ma. Birthday ng kapatid niya. Baka dun ako matulog." Paalam ko. Hayyysss, pero ang totoo hahanapin ko yung unggoy na yun! Mag aalas otso na ng gabi hindi pa nauwi! Magaling!!! Tinatawagan ko, cannot be reach! Magaling!
"Kenjie nanjan ba kuya mo sa inyo?!" Tanong ko agad pagkasagot pa lang ng tawag.
"Nasa condo ako Tine. Wala ko sa bahay eh." Sagot niya. "Okay thank you!" Sagot ko saka in-end call. Baka magtanong pa, mahirap na.
"Sabihin mo kay John Paul umuwi na! Naiinis na ko ha!!!" Bulalas ko agad pagkasagot pa lang ni Gino ng tawag. Malamang andun lang naman yun. San pa ba yun pupunta!
"Haaaa? Wrong dial ka ata Tine. Wala dito jowa mo!" Naguguluhang sabi niya.
"Eh nasaan na?! San pa yun pupunta?"
"Di ko alam. Ewan ko."
"Nako Gino ha! Yung totoo! Baka mamaya mag iinom na naman kayo. Tingnan mo yari kayong dalawa sakin talaga!!!"
"Wala nga dito tine. Pramis!!" Sagot niya. Hayyysss siguro wala nga talaga dun. "Okay thanks." Sabi ko saka inend call.
Hayssss nasaan na kaya ang Junggoy!!! Letse. Naglalakad na ako papuntang kanto, di ko alam kung saan ako papunta, di ko naman kasi alam kung nasaang lupalop yung Kumag na yun!!!
"Tine andito talaga si John Paul, di ko lang masabi sa call kasi magkaharap kami eh. Punta ka na lang. Send ko sayo address." Text ni Gino. Hayssss.
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."