#SMASPii 122

2.4K 215 45
                                    

Sorry sa super late update. Busy sa work. Salamat po sa mga nag aantay. Vote kayo please. Labyou all.



**********



"It's not what you think Tine." Bulalas ni Gino saka naglakad na paalis. Naiwan kami ni Kenjie.

"Ohh okay." Napataas ang kilay kong sabi habang hinahawi ang buhok kong nililipad ng hangin.

"Ikaw?" Tanong ko kay Kenjie. "Ano pang inaantay mo? Sundan mo na!"

"It's not what you think Tine." Sabi niya rin saka binaybay ang daang tinahak ni Gino.

"Edi wow. Gaya gayahan ng linyahan. Hahahaha. Push niyo yan. HAHAHAHA." Sabi ko saka tumawa ng malakas. Baliw na ata ako. "IT'S NOT WHAT YOU THINK TINE!!!" Malakas kong sabi sa sarili ko saka naglakad na pabalik. Lasing na ako potangena.

Pagkabalik ko sa pwesto namin ay si John Paul na lang ang naroon. "Asan na sila?" Tanong ko nang makalapit.

"Andun nagsilangoy na. Tara na doon. Inantay lang kita makabalik." Sagot niya saka itinuro kung nasaan banda ang mga kasama namin at hinila na ako papunta doon.

Magkahawak kamay, tinitingnan ko lang siya ng pasimple habang naglalakad kami. Hanggang ngayon kasi, minsan, hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na talaga siya.

What I mean is, ang swerte ko lang. Ni minsan di sumagi sa isip ko na mararanasan ko yung mga efforts na ginagawa sa akin ni John Paul. Kaya ayun, ang swerte ko lang. "Thank you Lord." Sabi ko saka tumingala at nag-flying kiss papunta sa langit. "I love you Labs." Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi.

"Awww sweet naman ng Labster ko. Mahal din kita. Sobra. Abot langit. Lampas pa." Sabi niya saka inakbayan ako at hinalikan sa bandang itaas ng tenga. Napangiti lang ako. Di ko alam pero sobrang saya ko ngayon.

Minsan natatakot ako na baka mamaya, yung saya ko may katumbas na sakit balang araw. Nakakatakot isipin kaya wag na lang diba? Bahala na. Basta kapag masaya, sulitin na lang. Para pag tapos na, tapos na, wala kang pagsisisihan kasi nasulit mo. Ganun naman yun. Ganun naman dapat.

Ewan heto na naman ako, nag-ooverthink na naman. Hays. Yumakap ako sa kanya habang naglalakad kami.

"Pre!" Salubong ni Mickey nang makalapit kami sa kumpulan sabay abot ng bote ng alak.

"Di pa rin tapos yan?" Tanong ko sa kanya.

"Come on Tine. Minsan lang to. Hahaha." Sagot ni Mickey. Defensive ampota, nagtatanong lang naman ako. Hahaha.

"Sis dito ka!" Pagtawag ni Lito sa di kalayuan. "Humahalo ka jan puro lalake yan sila jan, pokpok ka talaga." Sabi niya saka nagtawanan sila.

"Ano pa bang aasahan mo sa pakantot na yan." Bulong ni Terrence na rinig na rinig ko naman.

Mga depota. Mapanghusga sa kapwa hahaha.

"Wag kang pupunta sa malalim sinasabi ko sayo ha." Paalala ni John Paul.

"Malamang. Di nga ako marunong saka madilim no baka maanod ako."

"Good." Sagot niya lang na tinaasan ko lang ng kilay.

***

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon