Hello. Thank you sa support. New update po. P
Ambawi lang sa sobrang tagal kong di nakapag-update. I love you all.
Special mention sa mga ito. Salamat po sa support. Hihi.
@QueenDhovan
@Redbutterfly24
@meyaj69
@Perfectbottom
@Mnotawoman
@kylieeeeem
@Levypatricio
@Paigemattew
@MarkyGell***
Also please subscribe to my Youtube Channel hahaha. Search niyo lang sa Youtube "Kevie TV". Or clink niyo lang yung link sa profile ko. I need more subs para ma-monetize yung channel, in that case, i won't need to transfer some of my works sa Dreame for me to earn. Help me please. Love you guys.
Please vote na rin. Mataas ang ranking ng story dahil sa votes niyo, please keep voting para ganahan mag-update si author. Labyou all.
Ito na po ang request niyong POVs
Vote na agad please para di na malimutan. Hahahaha. Kulit ko. Post your comments na rin.
***
~John Paul~
"Hala. Nasaan na ako?" Tanong ng bading na katabi ko saka bumalikwas. Gulat na gulat.
Nagulat din ako dahil biglang nagsalita amputa. "Kenjie? Kenjie!!! Hala! Bakit ang dilim?" sabi niya habang kinakapa-kapa ang paligid.
"Yari ako kay John Paul tangina!!! Gagu. Asan na yung cellphone ko tangina." Bulong niya sa sarili niya.
Natawa na lang talaga ako sa narinig ko.
Mabuti yan.
Makaramdam ka ng takot kahit lasing kang depota kang tomador ka. Hahahaha.
"Nakauwi ka na po. Nasa kwarto ka na kaya matulog ka na." sabi ko nang matigil na siya. Likot likot eh.
"Labs?" Tanong niya habang kumakapa papunta sa kung saan galing ang boses ko.
"Oo."
"Sorry." sabi niya nang makapa ang mukha ko.
"Anong sorry, humanda ka sakin pag gising mo mamaya. Matulog ka na."
"Sorry na ito naman." sabi niya saka yumakap.
"Letse." Ayan amoy na amoy ang alak sa hininga.
"San na si Kenjie?" Tanong niya. Rinig na rinig ko kung gaano kalalim ang hininga niya. Ganyang ganyan ako pag lasing eh. Tangina talaga nito.
"Tulog na. Matulog ka na at magtu..." Di ko na natapos ang sasabihin ko, narinig ko nang humilik eh. Humanda talaga to sakin mamaya.
***
"Araaaaaaaaaaayyyy." mahina niyang sabi na gumising sakin. Namulatan ko siyang nakahawak sa ulo at sintido. "Ang sakit ng ulo koooooo."
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."