#SMASPii 112

5.6K 276 75
                                    

Sorry sa late update. 

***



"Saya saya niyo jan ah." Nakasimangot na sabi ni John Paul. Napatayo talaga ako agad.

"Ahh ehh. Nagki-kwentuhan lang Labs." Sabi ko saka hinalikan sa pisngi ang nakasimangot na Unggoy. "Sino siya?" Tanong niya saka itinuro si Theo.

"Ayyy. Ahhhh. Si Theo nga pala. Ahhh ano. Ahhh." Nauutal kong sabi. Para akong tanga. Grabe kasi ang gulat ko kay John Paul, nagflashback kasi sa isipan ko yung ginawa niya kay Otep.

"Ano? Bat nara-rattle ka? Sino siya?" Tanong niya ulit.

"Ahhh. Boyfriend yan ni April." Nakangiti kong sabi na ikingulat naman ni Theo. Lumaki yung mata niya eh. Hahahahaha.
"Theo, si John Paul, boyfriend ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Shuta yung pawis ko sa noo at ilong ramdam ko na. Nagtaas lang ng kilay si John Paul sa nakangiting si Theo. Nanatiling nakapamulsa ang mga kamay. Suplado talaga niyan. Di man lang makipag handshake eh.

"Lets go." sabi niya pa saka nalakad na palabas ng store. Sumunod na lang ako. Nako po. Juskolord.

***

"Bat di ka nagsasalita?" Tanong ko sa kanya na tahimik mula pa kanina. Malapit na kami makauwi pero di man lang ako kinakausap. "Huyyy! May problema ba?" tanong ko ulit.

".. La" sagot niya lang. One word na "wala" na lang, hindi pa mabuo. Hahahaha.

"Bat ka nga tahimik?" Tanong ko ulit.

"Wala nga sabi! Wala wala!" sagot niya.

"Okay." sagot ko.

"Okay!" sagot niya. Ang sarkastiko ng tono.

"Bat parang galit ka? Bakit ba kasi?" Naguguluhang tanong ko.

"Sino nga yong kausap mo?!"

"Luh! Theo nga ang name niya diba? Boyfriend yun ni April." Pagsisinungaling ko na naman. Kasi naman, alam ko nang magagalit yan eh.

"Eh bakit wala don si April!?"

"Eh andon naorder eh!!" palusot ko.

"Naorder eh may pending number na nga! Baka ayun, lalaki mo yung kupal na yun ha! Bugbugin ko yun!"

"Para kang baliw John Paul. Umayos ka nga!"

"Ikaw ang umayos jan Tine nako."

"Hala. Hahaha."

"Sige lang. Siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo sakin ha. Malalaman ko naman yan eh."

"Okay." Mahina kong sabi. Ayaw ko naman makipagtalo jan. Pero lagot talaga ako kapag nalaman niyang hindi naman talaga yun jowa ni bakla. Hahahaha. Bahala na, basta ang mahalaga nakaiwas sa iskandalo. Hahaha.

"Ge." Sagot niya lang.

***

"Ano pong meron Ma? Bat may mga bag?" Tanong ni John Paul pagkapasok pa lang namin ng bahay saka nag-bless kay Mama. Napatingin talaga ako sa kanya. Tama ba yung narinig ko??? "Ma." ang tawag niya kay Mama?

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon